Comelec, naghihintay sa plano ni Miriam

NAGHIHINTAY PA umano ng kumpirmasyon ang Commission on Elections (Comelec) mula kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, hinggil sa kanyang plano sa pagkakatalaga bilang mahistrado ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, mahalagang malaman nila nang maaga ang plano ng senadora para matukoy ang kakailanganing paghahanda ng poll body sakaling magkaroon ng bakante sa Senado.

Sakali umanong lilisanin ng senadora ang pagiging mambabatas, magkakaroon ng bakante sa Senado kung kaya’t mahalagang paghandaan kung kinakailangang isabay sa 2013 mid-term elections ang pagpili ng 13 senador, sa halip na 12 lamang, paliwanag ni Brillantes.

Kung sinuman ang mapipiling hahalili sa puwesto ni Sen. Santiago ay kanyang tatapusin lamang ang termino nito hanggang 2016, dagdag pa ng opisyal.

Kailangan din aniya ang isang Senate resolution para opisyal na ideklarang bakante ang puwesto ni Santiago, bago makakagawa ng paghahanda ang Comelec.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.