Comelec, Naghahanda na sa Brgy. Elections

SISIMULAN NA sa mga susunod na araw ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang paghahanda para sa barangay at SK election sa buwan ng Oktubre.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes matapos ibasura ng Malacañang at Kongreso ang kanilang hiling na ipagpaliban ng isang taon ang nalalapit na halalang pambarangay.

Kaugnay nito, uumpisahan na ng poll body na linisin ang listahan ng mga botante sa barangay upang matuldukan na ang talamak na pag-iral ng flying voters.

Samantala, aminado naman ang Comelec na malala ang kaso ng flying voters sa mga barangay at mas marami rin ang election-related incidents ng halalang pambarangay kaysa sa presidential at midterm elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.