Comelec, Naghahanda na sa Brgy. Elections

PINAGHAHANDAAN NA ng Commission on Elections (COMELEC) ang gaganaping Barangay at Sangguninang Kabataan elections na isasagawa sa darating na Oktubre 28.

Sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr. na limang buwan ang kanilang kailangan para sa pagha-handa sa naturang eleksyon.

Sa katunayan aniya ay sinimulan na rin nila ang pagbuo ng isang special committee na siyang tututok sa halalan.

Ang nasabing komite ay binubuo ng apat na Commissioners sa pangunguna ni Comm. Christian Lim na siyang magsu-supervise sa buong project management office na mag-aasikaso sa buong preparasyon sa eleksyon.

Samantala, ayon sa poll chief, sakop nito ang registration partikular sa SK polls, pag-imprenta ng balota at pagsasapinal ng calendar of activities na target ilabas ngayong araw.

Aniya, manu-mano lamang ang Brgy. at SK elections dahil naging malabo ang kinalabasan ng mga pag-uusap ukol sa paggamit ng Precinct Count Optical Scanner (PCOS) sa mga pilot site.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.