Comelec, minaliit ang pag-atras ng mga guro sa ARMM brgy. election

TINIYAK NG Commission on Elections (Comelec) na wala nang makahahadlang sa pagsasagawa ng barangay election ngayong araw sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ito ay sa kabila ng pag-atras ng mga board of election tellers (BETs) na magsisilbi sa eleksyon dahil sa takot na at isyu ng seguridad.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nireresolba na ng ahensya ang naturang problema lalo na’t may mga alternatibong nang ginawa ang mga kinauukulan.

“We are trying to resolve the situation pero hindi natin kino-consider ito na malaking problema dahil meron tayong alternatives, pero kung talagang hindi kaya, we put several standby authorities, may naka-standby na tayong mga tauhan,” ani Jimenez.

Sa katunayan, nakapag-deploy na ang PNP Regional Office – Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM) nitong umaga (kahapon) ng nasa 2,400 na mga kapulisan sa limang mga lalawigan.

Samantala, umaasa si PRO-ARMM regional director Chief Supt. Noel delos Reyes na magiging matagumpay at tahimik ang isasagawang botohan.

Lumalabas naman sa ulat na umaabot sa 1,607 na PNP personnel ang magsilbing mga special board of election tellers (BETs) sa ARMM kapalit ng mga umatras na guro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.