Comelec, Malamig sa Liquor Ban

MARIING KINONTRA ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpalawig ng oras sa liquor ban para sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na sa kanyang pananaw ay dapat munang pag-aralan nang mabuti ng poll body ang pagpapalawig ng naturang ban sa loob ng 48 oras.

Partikular na tinukoy ni Brillantes ang mungkahi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na palawigin ang liquor ban sa panahon ng halalan sa halip na isang araw lang.

Sinabi rin ni Brillantes na hindi pa nila tiyak kung may awtoridad ang Comelec rito, lalo na’t ang liquor ban ay nakapaloob sa Omnibus election code na isang batas.

Sa kabila nito, magdedepende pa rin aniya sa poll body kung kanila itong pagbibigyan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.