Comelec: Iligal na Posters sa Rally Venue, Baklasin

AGAD NA padadalhan ng Commission on Elections (Comelec) ng notice to remove campaign posters ang Liberal Party (LP) matapos matukoy ang ilang

paglabag sa campaign materials sa Lungsod ng Maynila.

Partikular na tinukoy ng poll body ang malalaking poster sa mismong naging proclamation rally venue kahapon ng LP sa Plaza Miranda.

Sinabi ni Chairman Sixto Brillantes na may tatlong araw ang grupo para baklasin ang nasabing illegal campaign materials.

Maaaring ang mga tauhan ng naturang komisyon ang mismong magtanggal ng mga ito, habang posible namang maharap sa election offense ang mga nasa likod ng iligal na political materials.

Samantala, muli ring nagpaalala si Brillantes sa mga lokal na pulitiko na sa Marso pa ang pagkakataon ng mga ito para mangampanya at paglabag sa fair elections act ang kanilang kakaharapin kung makikipagsabayan sa national politicians.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.