Comelec: Honoraria ng mga guro, walang dagdag

WALANG PLANO ang Commissions on Elections (Comelec) na dagdagan pa ang honoraria ng mga titser na magsisilbing Board of Election Tellers (BET) sa barangay elections sa Oktubre 28.

Ito’y sa kabila ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na itaas ang P2,500 na honoraria ng mga guro.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na pareho lamang naman ang magiging trabaho ng mga guro noong May 13 polls at October 28 barangay elections kaya walang dahilan para taasan ang honoraria.

“We won’t increase the honoraria. It’s a non-issue since we did not reduce it. It is still P2,500,” ayon kay Brillantes.

Base sa Comelec Resolution No. 9571, ang mga BET ay babayaran ng P3,000, kabilang ang P2,000 para sa paghawak sa barangay precints at P500 bilang transportation allowance.

Samantala, ang mga hahawak naman ng Sangguniang Kabataan precincts ay makatatanggap ng karagdagan pang P500. Gayunman, hindi tuloy ang SK polls.

Maaalala na una nang nagbanta ang ACT na nagpaplano umano ang kanilang

mga kasapi na i-boycott ang Oktubre 28 elections kung hindi itataas ang kanilang honoraria.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.