Comelec, Hinikayat Ang People’s Initiative Kontra Political Dynasty

HINIKAYAT NG Commission on Elections (Comelec) ang mga civil group at mga mamamayan na magkaisa sa pagbubuo ng people’s initiative, na umano’y sagot sa talamak na political dynasty sa bansa.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., huwag nang asahan ang mga mambabatas na gumawa ng batas laban sa political dynasty dahil ang mga ito mismo ang sangkot sa tila pagkontrol ng isang pamilya sa lalawigan.

Kung masisimulan aniya ang paggawa ng mga mamamayan ng batas laban sa political dynasty, posibleng umabot ito sa halalan sa taong 2016.

“The only way we can come out with the law regarding the anti-dynasty would be the people mismo. Tayo na mismo ang gumawa ng petisyon at gumawa tayo ng batas… ‘yan ang sina-suggest ko, matagal nga lang ang proseso pero kung umpisahan natin ngayon baka umabot tayo sa 2016,” ani Brillantes.

Samantala, una nang inamin ng Comelec na walang pangil ang komisyon sa pagbabawal sa mga nais kumandidato na may mga kamag-anak sa nakaluklok pa sa puwesto.

Sa ilalim ng People’s Initiative, kailangan ng isang petisyon kung saan may 12 porsiyento ng kabuuang bi-lang ng mga registered voter ang pipirma bilang signatories nito.

Sa nasabing bahagdan aniya ay dapat may kinatawan ang bawat distrito na may hindi bababa sa 3 porsyento ng registered voters. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.