Comedienne’s Weird Dilemma

BLIND ITEM:  SINO ang komedyanang ito na kaya walang boyfriend ay dahil aminado rin siyang kasalanan niya.

Alam n’yo kumbakit? Pa’no kasi, nu’ng nagka-boyfriend ang hitad, nu’ng nag-one-night daw sila ay hindi niya kinaya.

Ang buong akala namin, hindi niya kinaya, dahil “daks” o dahil sobrang “dyutay” ng notes o bangkay pagdating sa kama.

“Magaling naman siya. Napapasaya niya ‘ko. Ang hindi ko lang kaya eh ‘yung ginagawa niya. ‘Pag hinahalikan na ‘ko sa binti, mamatay talaga ako, kuya. Pro-mise.

“Mamamatay ako sa kiliti! Eh, dahil nga makilitiin ako, lalo pa ‘kong kinikiliti, kaya hindi ko namamalayan talaga, natatadyakan ko na pala siya.

“Nakakapanakit na ‘ko, kaya ayun, as of now, wala akong dyowa. Sobrang buong katawan ko yata, nakukuryente, lalo na binti. Dyusko po, ikamamatay ko talaga!”

Alam n’yo, true ang sinasabi niya, dahil pag nalilingat ang hitad, bigla naming hinahawakan sa legs at magkikikisay na parang mauubusan ng hininga!

Sabi ko sa potah, “Buti, hindi mo ‘ko tinatadyakan?”

“Nako, ‘no! Takot lang sa ‘yo, kuya!”

Hahahaha!

ALAM NAMAN NAMING everybody is entitled to his own opinion. Nag-opinyon ang mga artista tulad nina Monique Wilson, Aiza Seguerra, Tintin Bersola, Kat de Castro, Lea Salonga, Rica Peralejo at iba pa sa kanilang Twitter account tungkol sa pagpapasayaw ni Willie Revillame sa 6-year old kid ng macho dancing bilang talent sa Willing Willie.

Magulang din kami. Apat ang anak namin. Kahit wala kaming baby boy, maiintindihan namin kung ano ang nais ipunto ng mga magulang na kumokondena sa eksenang nagma-macho dan-cing ang bata.

Kung kilala nga namin si Willie, alam naming ang intensiyon niya ay mapasaya lang ang kanyang audience, kaya “ginasgas” niya ang talentong “macho dancing” ni Jan-Jan sa kanyang show.

Kung hindi sana ginasgas ‘yon at hindi na pinagsayaw pang muli ‘yung bata sa platform bago mag-commercial, okay na sana, eh. Kaso, ganu’n uli ‘yung bata. Seryoso, mangiyak-ngiyak habang tuwang-tuwa naman ang au-dience.

Alam din naming wala sa isip ni Willie ang i-exploit ‘yung bata. Wala sa isip niyang naaabuso na pala niya ang pagkabata ni Jan-Jan sa ere.

Heto’t ilang sektor ang umalma. Hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Sumobra sa sapat, ‘ika nga. Kaya asahan nang katakutakot na batikos ang aanihin niya.

Hindi namin sinisisi si Willie. Alam naming gusto rin niyang tulungan ‘yung bata at ang pamilya nito. Pero hindi naman ang intensiyon ng pagtulong ang kinukuwestiyon, eh.

‘Yung panggagamit sa kainosentihan ng bata na naging source ng “happiness” ng live audience.

Pero sana, ‘wag nating tirahin ‘yung mga nagmamalasakit sa bata. Hindi nila kaanu-ano ‘yung bata, pero nakitaan sila ng concern at awa sa bata.

Naiintindihan namin si Willie at naiintindihan namin ang mga concerned citizens. Pero sana, laliman natin ang pag-intindi sa mga sitwasyon.

After all, kahit naman sa anak n’yo mangyari ‘yon, makakaasa rin kayo ng parehong malasakit at awa mula sa mga artistang nagbubulalas lang ng kanilang concern.

Kung sa anak namin mangyayari ‘yon? ‘Yung pagsasayawin na kunwari’y macho dancer? Hindi namin papayagan.

Ang titigas ng katawan ng anak ko, eh. Chos!

Masyado na kasing serious. Nagpapatawa lang po. Hehehe.

(Parang ako lang ang natawa yata?)

BUKAS NA, SATURDAY at 8pm ang first major solo show ni Lloyd Zaragoza, ang One Night Only with Lloyd Zaragoza, sa Area 05 Music Hall (dating Ratsky Morato). Kinakabahan na nga ang batang napapaligiran ng tattoo sa katawan.

Bihira kaming maka-appreciate ng talent. Pag singer, kailangan, unique ang boses o talagang may voice quality. Si Lloyd, parang underrated lang talaga, eh.

Mabigyan lang ng chance ito o mapasama sa “ASAP Rocks,” makikipagkabugan ito sa ASAP Sessionistas, eh. Promise.

Nood kayo sa April 2, at kayo na ang humusga kung hindi kami nagsasabi nang totoo.

At pag nanood kayo, nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa mga breast cancer patients na sinusuportahan ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc.

Nagpapasalamat din si Lloyd sa dati niyang manager, si Kuya Boy Abunda, dahil pinayagan nito na mag-guest sa kanyang show si K Brosas, ang “kaibigan” niya.

P500 lang ang ticket price, kaya kung gusto n’yo, tawag lang kayo sa 0915-7765924. At may “surprise guests” pang makiki-jam.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “Comedienne’s Weird Dilemma

  1. Yung sinabi mong nagmamalasakit lang si Willie sa bata. Sana ng unang pinasayaw ang bata, imbes na sinabi niya na bata pa lang sumasayaw na dahil mahirap ang buhay, eh sinabi na lang niya na, anong klaseng magulang ba ang meron nito at pinasasayaw ng ganito ang bata o kaya pinagtratrabaho para kumita..o kaya sinabi niya na Ok na boy, maganda na ang sayaw mo, sige eto ang premyo po, palakpakan naman ng audience at pinalis na lang..hindi na pinaulit ulit at gumawa pa ng stage. Ang hirap intindihin, bakit kailangan pang paulit-ulitin, malamang nakikita na ni Willie na may ibang mga nanunuod sa studio na naiilang na at mula sa kanya kung anong klaseng sayaw ang ginagawa ng bata eh alam na niya na hindi tama sa bata iyon, pinaulit pa!

  2. @echo789 eh mas bastos k naman…bat ka nagmumura? kung di mo gusto ung opinyon ng kolumnista, sapat n dahilan ba yun para murahin siya? matanda ka naman na ata pero mautiry ng utak mo tulad sa 5 taon gulang…

  3. dalawa ang naging reaksyon ko ng napanood ko to,:
    una-natawa ako as in subrang tawa pangalawa-naisip ko pg may anak akong lalaki at ng sayaw ng ganito bka bitayin ko lang,nalalaswaan nga ako sa macho dancer na nakikita ko sa tv lalo na kaya sa bata na ngsasayaw ng ganito,

  4. magtigil nga kayong mga dumi-depensa kay Willie na exploiter ng mga bata. Palagi na lang palusot ninyo ay para makatulong kuno ng kapwa ang mga ginagawa ninyo kahit labag sa mabuting alituntunin ng lipunan. Puro kayo plastic at pera lang ang hinahabol ninyo.

  5. Evil continue to exist because of people who justify it as good. It is sad to note   that these people are those who have greater access to contribute for the good to prosper. Please be reminded that God sees the truth but wait… 

  6. Ang point ko naman, matatanda na tayo para malaman natin ang tama o mali, ang dapat at hindi dapat, ang disente at malaswa etc. 

  7. Ogie!! fan na fan mo ako, kaya ka sumisikat bilang manunulat o artista dahil nakikita kong palagi kang nasa gitna..I am always watching you in Mutya, Keep it up and God Bless.

  8. iyan c ogie diaz tama ka dyan kya lang iyong mga ibang artista super oa naman sa twitter baka naman kailngan nila ng pansin ng abs kc puro laosyan deep na cla gus2nila ng mga project para sa akin tama iyong cnabi ni ogie na2wa lang c willy pero nagsorry na c wil ndi niya talaga intesyolumaki lang gawa ng mga artistang laos gya ni rica ni aiza ni lea jim bianca boy kaykat monique saanba kyong istasyon?di ba sa abs at ano ba ang nagyayari kay willy at abs di ba lagi clang nasa korte?bakit parang wla akong masyadong naririnig sa kapuso? kung meron man cguro ndi cla kagaya ng mga laosyan na nagsalita sa twitter pati nga c mylene dizon nagpa-interview din parang nakisawsaw rin ano ba iyan malaks na ang telesere nila bakit kailanga gamitin pa c willy ..hahahah hoi gcng sana lang sa every sunday na magppray kyo sa gawin niyo wag iyong puro puna at husga sabagay gabyan talaga ang mga pinoy ndi ckla marunong magcnungaling,magmura sa tao mabit wlang kasalanan hahaha plastik..

Leave a Reply

Your email address will not be published.