Colorum Bus, Kinukunsinti ng DOTC

ANG KABIGUAN umano na maipatupad ang reporma ang dahilan sa tuluyang pagbibitiw ni Atty James Jacob bilang Chairman ng Land Transportation Francihising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Jacob na hadlang sa kanyang pamunuan ang umano’y pagkunsinti ng ilang matataas na opisyal ng Department of Transportation and Communication (DoTC) partikular ang usapin ng mga kolorum na bus sa buong bansa.

Nagpadismaya rin umano sa kanya ang ilang sistema sa loob ng LTFRB na wala sa kanyang standards.

Epektibo ang kanyang pagbibitiw sa Marso 31, 2013

Marami ang naniniwala na naluklok bilang chairman ng LTFRB si Jacob dahil sa impluwensiya ng kanyang matalik na kaibigan na si dating DILG Sec. Jesse Robrero.

Halos dalawang taon din ito sa nasabing ahensya.

Samantala, si Jacob ay isang bar topnotcher at nanilbihan ng tatlong termino bilang city councillor sa Naga, Commissioner sa Philippine National Railways, Presidential Anti Graft Commision at one termer na 2nd district representative sa lalawigan ng Camarines Sur.

Una nang kinumpirma ni DoTC Secretary Joseph Emilio Abaya na natanggap na niya ang kopya ng sulat ni Jacob para kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.