College Students, Naglunsad ng Tuition Monitor Network

INILUNSAD NG mga estudyante sa kolehiyo ang Tuition Monitor Network na layong bantayan ang anumang pagtaas sa matrikula sa susunod na school year sa Hunyo.

Pinangunahan ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) at mga member council ang pagbuo sa monitoring team na inilunsad sa University of the Philippines Diliman Office of the Student Regent.

Layunin nitong ma-ngalap ng datos kaugnay sa mga panukalang school fee increases at suriin kung dumaan ba sa konsultasyon ang mga ipatutupad na dagdag singil sa mga u-nibersidad.

Sinabi ni NUSP Secretary General Isabelle Baguisi na hindi na kakayanin pa ng mga estudyante ang panibagong bugso ng tuition at miscellaneous fee increases.

Karaniwan na aniya kasing nagiging sanhi ng pag-lobo ng bilang ng drop-outs ang matataas na singilin sa mga kolehiyo at unibersidad at karaniwan ding walang konsultasyon sa mga magulang at estudyante ang ginagawang pagtataas sa matrikula.

Kaya naman nagdesisyon sila na maaga pa lang ay simulan na ang pag-monitor at pagkuha ng mga datos sa bawat pamantasan sa pamamagitan ng kanilang binuong network.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.