College instructor na biktima ng holdap, nabubulok na

HOLD-UP ANG sinusundang motibo ng Miag-ao Municipal Police Station sa Iloilo City  sa kanilang pagsisiyasat  sa college instructor na natagpuang naaagnas sa Brgy. Baybay Norte, Miag-ao ng nasabing lungosd.

Sinabi ni PO2 Diogracias Nobleza, imbestigador ng Miag-ao PNP na wala na ang mga gamit ng biktimang si Josine Ninal tulad ng cellphone, bag at wallet nang matagpuan kamakailan ang bangkay nito na nangangamoy na at natatabunan lang ng bulaklak.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, ang biktima ay may sugat sa likod at dibdib mula sa magkaibang uri ng kutsilyo.

Napag-alaman na noong Huwebes pa noong nakaraang linggo iniulat ng pamilya ng biktima sa mga awtoridad na nawawala ito at huling namataan na umiinom sa isang bar sa naturang bayan.

Natunton ang labi ng biktima matapos maamoy ng mga tao sa paligid na parang may nabubulok at nang matunton ang pinagmulan, doon natagpuan ang nabubulok na  ang bangkay ng biktima.

Samantala, wala pang salarin ang mga alagad ng batas sa naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.