College grads, mahihirapang makahanap ng trabaho

AMINADO ANG Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na mahihirapang makahanap ng trabaho ang libo-libong bagong college graduates.

“It’s not easy to dampen the hopes of new graduates but based on these data we do not see college graduates finding jobs right away,” ayon sa tagapagsalita ng TUCP na si Alan Tanjusay.

Tinatayang 700,000 ang magtatapos sa kolehiyo sa mga susunod na araw kaya naman inaasahan na rin ang pagdami pa ng bilang ng mga walang trabaho.

Lumalabas sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 2.96 milyon ang mga walang trabaho noong Enero 2014, mas mataas ng 7.5-percent kumpara noong nakalipas na taon.

Isinisi rin ng TUCP sa kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan para sa mga job-generating industry.

Halimbawa umano ay ang mataas na halaga ng kuryente, kakulangan sa mga basic modern infrastructure, talamak na smuggling, katiwalian sa gobyerno at iba pa.

“The PPP program which was intended to generate millions of jobs, for example, is not factoring in for reasons we do not know. This is indeed a big challenge primarily for the Economic Cluster and for President Aquino who have less than three years left in office,” pahayag ni Gerard Seno, executive vice-president ng Associated Labor Unions-TUCP.

Isinisi rin ng gobyerno sa mga nagdaang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga trabaho.

Nangako naman ang pamahalaan ng mas maigting na pagpapatupad ng mga programa para sa mga trabahador.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.