College Grad, Arestado sa Rape

ISANG COLLEGE graduate na binata ang inaresto ng mga awtoridad makaraang ipagharap ng kasong panggagahasa ng isang magandang babaeng kapit-bahay sa loob ng apartment nito sa Caloocan City kamakailan.

Ang suspek na kasalukuyang nasa loob ng piitan ay nakilalang si Radel Farreñas, 23, tubong Negros Occidental, at residente ng Room-5 Marvel Subd., Lleno Road, Brgy. 167, ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang “Jovel”, 23, high school graduate, factory worker ng Twin Pack Container Corporation at kapit-bahay ng suspek.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan City Police, ang insidente ng pangagahasa sa biktima ay naganap noong nakalipas na Septiyembre 28, 2013 sa loob ng inuupahang apartment ng biktima dakong alas 9:00 ng gabi.

Sinabi ng biktima sa pulisya, habang siya ay natutulog ay pumasok sa loob ng kanyang apartment ang suspek at nagising siya sa dalawang malilikot na kamay ng lalaki hanggang sa isakatuparan nito ang makamundong pagnanasa sa kanyang katawan na labag sa kanyang kagustuhan.

Makalipas ang may ilang linggo, ipinagtapat ng biktima sa kanyang dalawang kaibigan at kapatid ang pagkakagahasa sa kanya ng suspek.

Kaagad namang nadsadya ang biktima at kapaitd sa himpilan ng pulisya  at nagharap ng reklamo laban kay Parreñas na kaagad namang inaresto nina PO2 Jemer Cabotaje, PO1 Elvin Tabora at PO1 Luisito Barlis at inaresto ang rape suspect.

Walang inirekomendang piyansa ang Caloocan CIty Prosecutor’s Office sa suspek.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.