Collector, Pumalag sa Holdap, Todas

DEAD ON arrival sa Our Lady of Mercy General Hospital ang isang hog collector habang sugatan ang kasama nito makaraang pumalag sa dalawang holdaper sa Brgy. Longos, Pulilan,Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Camilo Lintao, kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt Joel Orduna, kinilala ang nasawing biktima na si Joel Valderama, 38 anyos, ng Brgy. Subic, Baliuag; habang sugatan ang kasama nitong si Bernardo Domingo, 40 anyos, ng Sitio Tumana, Brgy, San Jose, Baliuag.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang panghuholdap sa mga biktima habang lulan ng isang pampasaherong jeep.

Nabatid sa driver ng PUJ na si Rolando Yambot, 38 anyos, ng Brgy. Parulan, sumakay ang mga suspek sa Malolos City via Pulilan, kung saan nakasaba’y umano ang dalawang biktima bitbit ang isang bag na naglalaman ng P200K mula sa isang bangko.

Ayon sa driver, bigla na lamang siyang tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek saba’y ang pagdedek-lara ng holdap, kung saan agad na inagaw ang dalang bag ng biktima subalit nakipagbuno ito sa suspek, dahilan upang barilin ito.

Matapos makuha ang bag ng pera, pinaputukan din nito ang kanyang kasama at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo na naka-back-up sa PUJ.

Samantala patuloy namang nagsasagawa ng palo-up operation ang mga awtoridad laban sa tatlong suspek na tumakas matapos ang insidente.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.