Collector ni Gen. Decano

PATULOY ANG pangungulekta ni P03 Jojo Cruz sa mga iligalista sa buong Camanava.

Ayon sa ating “tawiwit”, wala umanong patumangga kung bitbitin ng collector na ito ang pangalan ni NPD Director Gen. Antonio Decano.

Dahil ang kanyang nakukulekta ay ibinibigay raw ng Jojo Cruz na ito sa isang Major Lleva na siya umanong bagman ni Decano.

Ang ipinagtataka natin, parekoy, dahil mistulang “bingi na pato” itong si Gen. Decano kahit kaliwa’t kanang banat sa media ang kanyang inaabot.

Kaya naman kahit ‘yung mga hindi naniniwala noong una ay unti-unti na ring nakukumbinsi na bagman nga ni Decano itong si Maj. Lleva at collector nga nila si Cruz.

Bakit nga ba ayaw mong paimbestigahan ang dalawang ito, Gen. Decano?

Sa puntong ito, parekoy, nararapat lamang na ang District Intelligence Unit ng NPD na ang dapat magmanman sa mga ikinikilos nitong sina Lleva at Cruz!

‘Yan, parekoy, ay kung hindi rin sila kasama sa sabwatang Decano-Lleva-Cruz!

 

PINIPILIT NATIN itong ilang empleyado ng Quezon City hall na huwag na nilang dalirutin ang tungkol sa mga “girlalu” na inili-link sa pogi nilang tesurero na si Ed T. Villanueva.

Kung tayo lang, parekoy, ang tatanungin, tama na sigurong pag-usapan para naman masagot ni Villanueva ang isyu ng raket sa mga real property tax na ayon sa mga tawiwit ay nagkakaaregluhan sa treasurer’s office.

Idagdag na lang ang sobrang ka-rangyaan na idini-display nito, gaya ng milyones na mga sasakyang…

Bagong Lexus na may special plate na hango sa kanyang initial na ETV-33.

Ang matikas niyang BMW at magarang Mercedes Benz ng kanyang waswit!

Siguro naman, dito pa lamang sa matinding karangyaan na ipinakikita ni tesurero Villanueva ay mamimilipit na siya sa pagpapaliwanag kung paano niya na accumulate ang mga ito. Gayung wala naman siyang ibang source of income!

Pero ayaw tumigil nitong mga nasabing empleyado sa Kyusi. Gusto talaga nilang ma-finger (maituro) itong sina THESS na kasalukuyan umanong buntis at ang seksing si MAY.

Sabagay, nauunawaan natin, parekoy, ang katwiran ng mga nagrereklamong ito. Kasi nga naman, sa posisyon ni Ed Villanueva bilang tesurero ng Kyusi ay obligado siyang magpakita hindi lamang ng isang simpleng pamumuhay.

Gayundin op kors ng disente o walang tsismis ng bisyo o pambababae.

Bakit? Aba eh, kaban ng bayan ang kanyang iniingatan… malay mo nga naman kung halimbawang magkaroon siya ng mga bisyong ganyan at pati perang hindi naman kanya ay magalaw!

Tamaaaaaa!!!

Hindi pala uubra, parekoy, ang una kong katwiran na palagpasin na lamang ang mga balitang ‘yan, tutal naman ay hindi tayo ang magkaka-delubyo ang pamumuhay kung mabisto ng kanyang esmi.

At lalo ring hindi ang ating mga angry bird ang manlulupaypay kung laging napapasabak sa kaskasang walang humpay!

Pero may punto nga, parekoy, itong mga taga-city hall ng Kyusi. Na dapat ay matiyak na hindi Villanueva ang ama ng ibinubuntis ni THESS.

At hindi rin Villanueva ang poging kalambutsingan palagi nitong seksing si MAY.

Sige nga, Ginoong Ed T. Villanueva, pakisabihin mo nga sa kanila na hindi ikaw ang lalaking tinutukoy nila!

Pakipatunayan mo nga sa kanila na malinis ka…

Sige na sir, pliiiissss, para naman matanggal na ang kanilang mga agam-agam at masigurong hindi nadedekwat ang pera ng bayan!

 

Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734. 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.