Coliseum At Mga Katabing Gusali Sa Isabela, Naabo

TINUPOK NG apoy ang Antonio M. Abaya Memorial Coliseum at mga katabi nitong bangko, supermarket, fastfood chains at government offices sa Santiago City, Isabela.

Ayon kay Fire Marshall Juanito Diansay, maghaha-ting-gabi nang sumiklab ang sunog sa coliseum na may 8,000 hanggang 10,000 seating capacity at hanggang alas-2 ng madaling-araw kahapon ay tinutupok pa rin ito.

Sa lakas ng apoy, inabot na rin ang mga katabing gusali at kawad ng kur-yente sa kalsada.

Nasunog din ang Market Administration Office, Bureau of Internal Revenue (BIR) Office at Commission on Elections (Comelec) Office sa tabi ng naturang coliseum.

Samantala, tanging computer ang naisalba ng mga empleyado ng Comelec habang ang ibang negosyante ay wala nang naisalba pa sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.