Coleen Garcia, madalas madawit sa break-up issue

SA PAGKAKAUGNAY ni Coleen Garcia bilang third party daw sa hiwalayang Billy Crawford at Nikki Gil, kung saan ang pinagmulan ng lahat ay ang sari-saring komento ng marami nang mag-post ng larawan si Vice Ganda sa kanyang Instagram na nag-lunch sila ng mga kasamahan sa It’s Showtime at wala rito sina Coleen at Billy, hanggang sa may nagtanong kung silang dalawa na ba, agad na klinaro ng young actress na walang katotohanan na siya ang ang rason ng paghihiwalay ng dalawa.

Ikinuwentong nag-text sa kanya ang co-host at humingi ng dispensa na nadadawit ito sa paghihiwalay nila ng ex-girlfriend. Nang tanungin namin kung lumabas na ba sila ni Billy, sinagot kami agad ni Coleen na lumalabas sila bilang grupo sa It’s Showtime pero kahit minsan ay ‘di pa sila lumabas na sila lang ng actor/TV host.

Ang pagiging siya na lang kasi ang single sa It’s Showtime ang nakikitang rason kung bakit maaaring nabigyan ng kulay ng iba ang closeness nila ni Billy. Minsan ding naugnay si Coleen kay Jake Ejercito na siyang rason daw kung bakit ‘di na ito maaaring makipagbalikan pa kay Andi Eigenmann.

Napaparatangan tuloy na relationship wrecker, naklaro naman ang pangalan na walang kinalaman sa ‘di na pagkakaayos pa muli nila Andi at Jake, naniniwala si Coleen na kung nalinis niya ang pangalan dito ay ganito rin ang mangyayari sa pagkakadawit niya sa Nikki-Billy break-up dahil wala talaga siyang kinalaman dito.

Kung galit na galit si Billy sa mga taong nabigay ng kulay sa samahan nila ni Coleen, para naman sa young actress ay ‘di siya nakakaramdama ng anumang galit, inis o sama ng loob sa mga nagpakalat at nagpalaki ng isyung ito, dahil may panahon din na nu’ng hindi pa siya artista ay madali rin siyang napapaniwala ‘pag may mga balitang nakakarating sa kanya tungkol sa mga taga-industriya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.