Coleen Garcia, kinalmot sa mukha ng dating pulis!

HINDI NA NAPIGILAN ng Ikaw Lang Ang Iibigin star na si Coleen Garcia na magreklamo sa social media tungkol sa hindi kanais-nais na road incident na kinasangkutan niya recently.

 

Isang kotse ang humarang sa sasakyan ni Coleen na minamaneho ng drayber nito sa Bonifacio Global City. Biglang bumaba ang galit na nagmamaneho ng kabilang kotse at nagsisigaw ng ‘pulis ako!’ kahit pa mahinahaon itong kinakausap ng drayber ng aktres.

Dahil hindi na nagustuhan ni Coleen ang nakita, bumaba ito sa van at tinanong kung ano ang problema nito nang bigla siyang kalmutin sa mukha. Aktong hihilain din siya pababa nito nang naging alerto naman ang aktres at sinara ang pinto ng van.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang lalaki sa panghaharass sa kanila at hinahamon pa sila ng away.

From Coleen Garcia’s Facebook

Bumalik ang lalaki sa kotse nito para kumuha ng animo’y ‘flashlight’ sa backpack nito. Ang malungkot sa insidenteng ito ay diumano’y nakikita ng mga police on duty ang insidente, pero wala man lang ginawang aksyon. Dedma lang sila sa pangyayari. Tinanong lang daw sila kung gusto pa ba nilang magsampa ng kaso laban sa ex-police.

From Coleen Garcia’s Facebook

Pumayag si Coleen na palagpasin na lang ang nangyari basta payagan ito na kuhanan ng piktur ang ID ng nang-agrabyado sa kanila. Pagkatapos ng insidente ay may iba na naman daw itong biniktima.

Hmmm.. nangangamoy modus! Siguro ay blessing in disguise na rin na nangyari ito sa isang sikat na artista para matutukan ng Duterte administration ang mga ganitong Gawain ng mga pulis na dapat ay nagsisilbing tagapagligtas natin. Paki-tag na si Asec. Mocha Uson!

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.