Coleen Garcia, alanganin pa rin kay Billy Crawford

Coleen-GarciaColeen-GarciaISA SI Coleen Garcia sa sobrang natuwa sa pagbabati nila Karylle at Vice Ganda bago pa man umalis ng bansa ang huli para sa series of show niya sa America. Aminado ang actress/TV host na talagang naapektuahn silang lahat sa It’s Showtime sa tampuhan ng dalawa. Regular pala niyang nakauusap si Karylle lalo na tungkol sa insidenteng nangyari. Ang ipinapayo niya kay Karylle ay maaayos din ang lahat, palamigin lang muna ang sitwasyon, na nangyari naman dahil si Vice na mismo ang nag-initiate ng pag-aayos nila ni Karylle sa It’s Showtime.

Masayang-masaya sa nalalapit na pagpapakasal ni Karylle sa fiancé nito na si Yael Yuson, kuwento nga sa amin ni Coleen, nang i-announce ng co-host ang tungkol dito sa It’s Showtime, nasa isang sulok lang siya, nanginginig, kinakabahan at naiiyak sa tuwa para sa kaibigan.

Nang mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Billy, consistent pa rin ang aktres sa pagsasabing may espesyal na namamagitan sa kanila ng co-host, pero hindi pa rin sila hanggang sa ngayon. Natuto na sa kanyang mga nakaraang relasyon at ngayon ay ayaw pumasok sa panibagong relasyon nang nag-aalangan at ‘di buo ang sarili.

Aminadong nasaktan at naapektuhan nang tinawag siyang mang-aagaw at ahas, dahil naiturong third party sa break-up, napagod na rin sa kapapaliwanag dahil ilang beses na ring na-edit out ang kanyang mga interview. Sa huli, ang pinanghahawakan na lang ni Coleen ay alam niya ang katotohanan, wala siyang tinapakang tao o sinaktan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Coleen Garcia, alanganin pa rin kay Billy Crawford

Leave a Reply

Your email address will not be published.