Cogie Domingo, takot na takot kay Chavit Singson – Cristy Fermin

ANUMANG PANANAHIMIK ANG gawin ngayon ni Cogie Domingo ay wala na siyang pamimilian, pinangalanan na siya ni Governor Luis “Chavit” Singson, “Coji” pa nga ang pagkakabigkas nito sa kanyang pangalan nang sabihin ng pulitiko na nakarelasyon niya ang ka-live-in nitong si Che Tiongson.

Pero nilinaw naman ni Governor Chavit na noon pa ‘yun, tapos na ang lahat, ibang lalaki na ang tinutukoy ng pulitiko na nahuli nitong kasama ni Che sa kama sa apartment nito na ang pulitiko ang nagbabayad buwan-buwan.

‘Yung kina Cogie at Che ay ini-report lang sa kanya, hindi nito nahuli-nakamayan, ibang-iba raw ang kuwento ngayon dahil nahuli ng gobernador ang lalaki sa mismong tinitirhan ni Che at sa isang eksena pang magpapasilakbo talaga ng dugo ng isang lalaki.

Wala namang ipinagkaila ang pulitiko, inamin nito na dahil sa kanyang nakita ay nasaktan nito si Che, kinantiyawan pa ni Governor Chavit ang lalaki sa pagsasabing pang-Guinness ang “sandata” nito dahil sa sobrang kaliitan.

Nasa korte na ang usapin, sinampahan ng kaso (RA 9262) ni Che ang ama ng kanyang limang anak, maraming nagkokomento na sasabit si Governor Chavit dahil wala itong karapatang saktan nang pisikal at abusuhin sa pamamagitan ng mga salita si Che dahil hindi naman sila legal na mag-asawa.

Habang mainit na mainit ang kapaligiran para kina Governor Chavit at Che Tiongson ay hindi naman nagbibigay ng anumang komento si Cogie Domingo, ang nagpapagaling lang niyang ama mula sa isang maselang operasyon sa puso ang nagbigay nang maigsing pahayag tungkol sa pagkakasangkot niya sa kontrobersiya.

Pero mali ang mga kuwentong umiikot ngayon na umalis daw si Cogie, nagtago raw sa Amerika, dahil ang kuwentong ‘yun ay naganap nu’ng nakaraang taon pa.

Totoong nangibang-bansa noon si Cogie dahil maraming impormasyong nakararating sa kanya na ipinaha-hunting siya ni Governor Chavit, sino ba naman ang hindi matatakot sa mga ganu’ng kuwento, napaka-powerful ni Governor Chavit.

Kung isang pangulong nakaupo pa nga sa kanyang trono ay nakayang patalsikin ng isang Governor Chavit Singson dahil sa isang kaganapang sa kanya nag-ugat, hindi ba’t isang tuldok lang si Cogie kumpara du’n, kaya lumipad agad papuntang Amerika ang batang aktor nu’ng mga panahong ‘yun.

WILLING VICTIM SI Cogie Domingo sa nakaraan nilang relasyon ni Che Tiongson, ginusto rin niya ang naganap, pero totoong-totoo na huli na nang malaman ng batang aktor na ang karelasyon niya pala ay ka-live-in ni Governor Chavit.

Nalaman niya na lang ‘yun nu’ng nagkakagulo na, lumutang na noon ang mga impormasyong hina-hunting siya ni Governor Chavit, dahil sa ilang buwan nilang relasyon ni Che ay wala naman itong sinasabi tungkol sa makapangyarihang pulitiko.

Minahal ni Che si Cogie, sa ilang e-mails nito sa batang aktor ay nakalagay na nu’n lang ito nagmahal nang todo, naisip siguro ni Che na kung sasabihin nito kay Cogie ang totoo sa pagitan nila ng gobernador ay bigla na lang mawawala si Cogie at iiwas na sa kanya.

Inosente si Cogie sa aspetong ‘yun, naniniwala kaming hindi mismong ang batang aktor pa ang maglalapit sa kanyang sarili sa apoy para siya masunog, ang patotoo nu’n ay ang biglaang pag-alis sa bansa ni Cogie nang malaman niya na si Che pala ay ka-live-in ng gobernador.

Sabi pa ng isang impormante, “Paanong hindi aalis nang biglaan si Cogie, ‘yung bading na nagpakilala sa kanya kay Che, sinaktan na at umaming magkarelasyon nga sila.

“Ang kuwentong nakarating sa kanya, e, bugbog-sarado raw ‘yung bading na tulay nila ni Che, hindi na raw makalakad dahil inupakan talaga, kaya takot na takot si Cogie,” sabi nito.

Pero hanggang nu’ng nasa Amerika na si Cogie ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-i-e-mail sa kanya ni Che, hindi na sumasagot si Cogie, dahil alam niya na ang katotohanan na “hawak” pala ni Governor Chavit Singson ang babae.

Tapos na ang partisipasyon ni Cogie kay Che, ibang lalaki na ang tinutukoy ngayon sa kuwento, modelo raw ang lalaki at Richard ang pangalan nito.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

7 thoughts on “Cogie Domingo, takot na takot kay Chavit Singson – Cristy Fermin

  1. MATAKOT KA DAPAT KAY CHAVIT KASI SIGURADONG IPAPAKAIN KA NYA SA ALAGA NIYANG TIGRE COGIE WATCH UR BACK!HEHEHE…YOU DON’T WANT TO BE EATEN ALIVE!!!

  2. Ayon sa report mo ,Cristy : nahuli ng gobernador ang lalaki sa mismong tinitirhan ni Che at sa isang eksena pang magpapasilakbo talaga ng dugo ng isang lalaki.

    Meron ka bang TV sa bahay mo o nagbabasa ka ba ng matinong diyaryo para malaman mo na nagkukuwentuhan lang sila noong babae sa salas noong dumating si Chavit?Binugbog ,hinubaran at nilitratuhan ni Chavit yung Richard pero wala sila sa aktong masama.

    Mag report ka yung tama dapat huh!!
    Sabagay, yung mga report mo ke Willie Revillame..puro mali nga naman..eto pa?

  3. Baka naman na pick-up lang nung Che si Cogie (si Cogie naman, siyempre bata pa, elya-elyahan at pumatol).

  4. Mukhang may sayad talaga ang kabit ni Chavit…nasanay kasing umasa sa lalaki sa lahat nang bagay at di sanay na kumita nang sariling pera, kaya ayun, ayaw iwan si Chavit. Pero sige lang sa pagpatol sa ibang mga mas batang lalaki kahit alam niyang mapapalagay ang mga ito sa pahamak ang mga ito oras nang malaman ni Chavit. Nakakaawa rin itong si Cogie at si Raymond.

    That being said, wala pa rin sa lugar ang pagbubugbog ni Chavit sa kanyang babae at sa kay Raymond, lalo nang walang kalaban-laban ang dalawa sa kanya. Sana pinaubaya na lang niya sa kanyang mga lawyers kung paano ito gumanti. Revenge, ika nga, is best served cold.

Leave a Reply

Your email address will not be published.