Cogie Domingo, seryoso na raw sa pagbabalik-showbiz!

MARAMI ANG NAGULAT nang makita ng mga working press ang mahusay sanang aktor, pero dahil sa late attitude ay hindi umalagwa nang husto ang career. Ang tinutukoy namin ay si Cogie Domingo na kasama bilang isa sa main villain ng PS I Love You ng TV5.

Pero ayon kay Cogie, matagal na raw niyang ibinaon sa limot ang ganoong attitude at bago at professional na Cogie na nagbabalik-showbiz.

“Babawi po ako. Game na po ako ngayon ano mang ibigay sa akin na role. Main villain po ako rito at maninibago kayo sa akin. Kung nabagabag kayo sa role ko sa isang indie movie kung saan gumaganap akong bading, mas tataas ang kilay n’yo rito dahil kakaibang kontrabida ang atake ko rito.”
“Matagal na pong nalibing ang segment na iyon sa buhay-artista ko. Sobra pa sa seryoso ang attitude ko ngayon. Parang angel na nga po ako. At very friendly na po ako. Kung dati’y nasa isang tabi lang ako lagi, pansinin n’yo po ako kapag magkakasama na kami. Puwede na po akong “Mr. Amity”.

Kahit nga ganu’n ang tinuran ni Cogie, may mga kasamahan pa rin sa panulat ang nagtaas ng kilay. Kaya naman this time, dapat nang patunayan ni Cogie na totoo ang kanyang sinasabi sa kanyang bagong trabaho. ‘Yun na!

 

KUNG DATI-RATI, SI Toni ang binabantayan ni Mommy Pinty, ngayon daw ay ang nakababatang Gonzaga na si Alex ang bantay-sarado sa napakabait na ina ng mga ito. Kaya naman during the presscon ng PS I Love You, present si Mommy Pinty.

Masyadong matinik daw kasi si Kean Cipriano kaya baka ang muling pagsasama ng dalawa ay mauwi sa mas malalim na relasyon. Pero ayon kay Alex, trabaho na lang ang pinagsasamahan nila ni Kean.
Marahil ay naninigurado lang si Mommy Pinty na hindi na muling mahuhulog ang loob ng kanyang magandang dalaga sa bokalista ng Callalily. Minsan na kasing nasaktan at lumuha si Alex kaya naman umpisa pa lang ay bantay-sarado na talaga ito.

 

HINDI MAPIGILANG KABUGIN ang dibdib at matakot ang mga nakapanood sa Pinoy Explorer noong nakaraang linggo nang  gawin ni Aga Muhlach ang isang daring stunt, kung saan tinangka nitong mag-slide sa nakakatakot na Leap of Faith sa Aquaventure Water Park sa Atlantis Hotel.

Bukod dito, nilibot din ni Aga ang pinakamalaking mall sa buong mundo, kung saan natagpuan nito ang Dubai Aquarium and Underwater Zoo. Ito ang may tangan ng Guiness Book of Records bilang World’s Largest Acrylic Panel. Mahigit sa 30,000 sea creatures din ang matatagpuan dito.

Kasabay ng water adventure ni Aga sa Dubai ang pagkukuwento nito ng dalawang bahagi ng ‘Walking with the Beasts’, ang episode na ‘Whale Killers’, kung saan nakita ang mga dambuhalang pating at balyena na naging terror sa karagatan matapos maghari noon ang mga dinosaur!

 

PUMAYAT NA BUMAGAY naman sa kanyang boy-next-door look ang isa sa pambatong maging GMA-7 big star for 2012 na si Alden Richards. Ayon kay Alden, nag-reduce daw siya dahil na rin sa med-yo tumataba siya lately.

Isa si Alden sa kasama sa inaabangang pelikula ng taon, ang The Road, kung saan ginagampanan nito ang role ng isang psycho na first time nitong gampanan na very positive ang dating sa mga nakapanood ng trailer ng said movie ng GMA Films.

Very thankful nga si Alden dahil marami ang pumupuri sa kanyang mahusay na pagganap. Kaya naman nagpapasalamat daw ito kina Mr. Joey Abacan at Ma’am Annette Gozon sa pagtitiwalang ibigay sa kanya ang nasabing role.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Cogie Domingo, seryoso na raw sa pagbabalik-showbiz!

  1. HAYAAN MO NA NGETPA KA NAMAN EH………….HAHAHAHA……….COMEBACK?…………..HAHAHAHAHA……………PAMBILI NG ECSTACY?………..HAHAHAHA…………KULANG NA SA FUNDS…………..HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.