Cogie Domingo, nagtatago pa rin? – Archie de Calma

KUNG TALAGANG HINDI guilty si Cogie Domingo, bakit nga ba siya nagtatago?

Ito ang tanong ng marami sa kontrobersyang may kinalaman sa gulo nina Governor Chavit Singson at ang ka-live in nitong si Che Tiongson. Matagal na nanahimik ang kampo ni Cogie tungkol dito, kahit ang young actor na ang laman ng kung anu-anong blind items, hanggang sa pinangalanan na siya, at nagsalita na si Governor Chavit tungkol sa isyung ito.

Through his manager, si Joji Dingcong, naglabas na ng statement ang kampo ni Cogie kaugnay ng mga naipahayag na ni Governor Chavit na ang pinag-ugatan ay ang pambubugbog niya diumano sa ka-live in niyang si Che dahil sa selos sa isang out of showbiz guy na nagkaroon daw ng kaugnayan dito, at ang nauna rito, ang paglalantad sa chika involving Cogie.

Punto por punto ay naipaliwanag ng kampo ni Cogie ang stand nito sa mga isyu, pero ang nasilip namin dito ay ‘yung  pahayag ni Cogie na nang ma-meet niya si Che,’di niya alam na ka-live-in ito ni Chavit. Kahit paano, napag-isip-isip kami na na-realize nga ni Cogie ang pinapasukan niya, kaya all the more na nagkaroon ng malisya na in some ways, nagkaroon nga siguro siya ng kaugnayan kay Che.

Anyway, hindi naman daw siya binantaan ni Chavit. Sinabihan lang daw siya na huwag magkaroon ng kaugnayan sa babaeng may kaugnayan na sa iba, gaya ni Che, na gaya rin daw sa ipinayo kay Cogie ng mga magulang niya.

Pero, parang malabong maklaro pa ang kung anumang isyung nag-ugnay kina Chavit at Cogie, lalo na’t lumaki na nga ito.

Hangga’t hindi ayos ito, we believe, magpapatuloy sa kanyang pagtatago si Cogie. Gosh, you don’t mess around with powerful guys like Chavit!

Dahil May Isang Ikaw, well-researched na drama

KAHIT PA SIMPLENG drama lang ang Dahil May Isang Ikaw, tinitiyak ng mga tao sa produksiyon nito na well-researched ang lahat ng detalye rito. Mas malikaw kasi ang elemento ng legal complications sa istorya nito, at maingat na ang ABS-CBN sa ganitong mga bagay dahil napakarami nga namang nanonood nito, including certified lawyers.

Maski na si Lorna Tolentino ay gumagawa ng sarili niyang research, at kulang na lang daw  ay kumuha ito ng crash course on Law, kung mayroon talaga nito. Dumedepende rin daw si LT sa legal panel na hina-hire ng Dahil May Isang Ikaw, lalo sa mabibigat na courtroom drama scenes. So far, sa natutunghayan ng publiko, according to some lawyers na nakakausap namin at nakakapanood ng soap na ito, tama naman at wala pang mintis ang research na ginagawa ng nabanggit na programa.

Nakausap namin ay si Atty. Joji Alonso, na so far, ang natututukan pa lang daw niya ay ang dramatic scenes out of court. Pero, kasama mismo ang anak ni Atty. Joji na si Nico Antonio sa cast, at papasok ito sa mga mas kumplikadong eksena sa korte, sa paghaharap doon ng mga pangunahing character.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.