Cogie Domingo, bakit patuloy na nagtatago? – Tita Swarding

HANGGANG NGAYON AY nagtatago parin ang actor na si Cogie Domingo at ayaw pang lumantad sa publiko dahil takot sa kanyang seguridad. Sabagay, isa nga sa mga dahilan kung bakit humantong sa sakitan ang couple na sina Gov.Chavit Singson at Che Tiongson ay ang isyung kinasasangkutan ng actor at lahat ng sulok ng showbiz ay pinag-uusapan rin ito at inaabangan ang kanyang panig. Ngunit ni aw aw man lang ay hindi nakunan ng pahayag si Cogie. Ito na rin daw siguro ang hudyat upang magbalik-showbiz ang actor dahil matagal na rin itong nawala sa industriya at harapin ang mga intrigang nakapukol sa kanya. Naku, ha! Ang tanong, kelan siya lalantad? ‘Yun na!

BB Gandanghari, bagsak sa Psychological test

ITO ANG IPINARATING sa akin ng aking Parazzi Girl. Noong nakaraang buwan ay sobrang busy raw itong kapatid ni Robin Padilla na si Rustom, este, BB Gandanghari pala. S’yensa na po, tao lang nagkamali. Ching lang! Sa sobrang busy ay stressed ang beauty ni BB Gandanghari. Kaloka, ha! Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang stress ay naisip pa nitong magpa-sex change. Kaya nagpunta raw ito abroad at sumugod sa isang doctor ay upang magpa-sex change at dumaaan naman daw ito sa isang psychiatrist test na isang proseso para sa mga ganu’ng bagay. At siyempre, marami pang mga test ek-ek ‘yan.

Ang nakakaloka ay una palang daw ay bagsak na sa psychological test ang kapatid ni Binoe. Dahil kaya sa stress nito ay dismayado pa si BB  Gandanghari? Kalerke, ha ! Ang nakakaalam lang daw na dumaan si BB sa mga test-test na ‘yan ay ang kanyang mga kaibigan na sina Gretchen Barretto at Pops Fernandez. Ano kaya ang masasabi ni Binoe rito ? How true?

Read Tita Swarding’s Blind Item: TV host-actor, pinagpyestihan muna ng bading bago ikasal

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Cogie Domingo, bakit patuloy na nagtatago? – Tita Swarding

  1. grabe ka sobra kang naniniwala kay cristy eh wala namang credibility yan………..saka engot mo naman hindi naman nagtagal si Ange sa US one week lang sya doon sa London sya nagtagal…..doon sya nag-aral…..gosh…………..so boba….

  2. ito bang si cogie ang naging BF ni angel laosin dati noong nasa USA siya bago lumipad papuntang London? sabi ni cristy ginamit lang niya ang guy dahil nang bumalik na sya sa pilipinas deny ng deny na si angel laosin tungkol sa lalake na nakasama nya sa USA.. yan ang MANGGAGAMIT!

Leave a Reply

Your email address will not be published.