Coco Rasuman, Humirit ng Reinvestigation sa Carnapping Case

IPINAGPALIBAN NG San Juan Regional Trial Court (RTC) Branch 160 ang pagdinig sa kasong carnapping ni Jacob “Coco” Rasuman, ang itinuturong utak ng investment scam firm sa Lanao Del Sur.

Ito’y kasunod ng paghahain ng motion for reinvestigation ni Coco Rasuman at kapwa-akusadong si Amer Bashir Rasuman.

Sinabi ng abogado ng dalawa na si Anthony Marvin Ponce de Leon na hindi nailahad ng mga kliyente ang posisyon nito noong isagawa ang paunang imbestigasyon.

Binigyan naman ng 10 araw ang public prosecutor para magkomento.

Maaalala na nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Hassan Panandigan laban sa mga Rasuman.

Itinakda na ang arraignment sa Hunyo.

Samantala, Nobyembre 27, 2012 nang maaresto si Coco Rasuman sa Marawi dahil sa umano’y investment scam firm.

(PARAZZI REPORTORIAL  TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.