Coco Martin, wala nang obligasyon sa anak ni Katherine Luna

BAGO PA man lumabas ang kuwento na pina-DNA ang sinasabing anak daw ni Coco Martin kay Katherine Luna at napatunayan ngang hindi ito anak ng aktor, may nakarating na kuwento sa amin na wala raw talaga kasing maramdaman na kahit na anong lukso ng dugo si Coco tuwing titingan raw ang larawan ng bata. Sinasabing mararamdaman ito ng kahit na sinong magulang ‘pag nakita ang anak niya. Sa parte raw ng aktor, kahit anong kapa raw nito sa puso nito, ‘di raw maramdaman ni Coco na galing talaga sa kanya ang bata.

Balitang nagkagalit daw si Katherine at ang ina nang dalhin daw ng huli ang bata sa shooting ng Born To Love You na pinagbidahan nila Coco at Angeline Quinto dahil ‘di raw alam ng sexy actress ang ginawa ng ina kung saan nakakuha raw ng blood sample, napa-DNA at napatunayang ‘di nga anak ni Coco ang bata.

Para sa amin, wala kaming nakikitang masama sa ginawa nito kung para ito sa ikalalabas ng katotohanan at ikatatahimik na rin ng lahat. Katotohanan para sa bata na masabi na niya sa iba na hindi niya talaga ama ang aktor at mahanap kung sinuman ang tunay niyang tatay. Sa parte naman ni Coco ay malinis ang pangalan nito kung saan naparatangan noon ang aktor na tumatakbo sa responsiblidad at walang paninindigan.

Nakarating din sa amin na binigyan din pala ng funds ni Coco ang bata pero paubos na raw ito sa ngayon.

Hindi lang namin alam kung kaya pa ni Katherine na humarap ngayon sa kamera at hamunin ang aktor tungkol sa pagiging ama raw nito. Malamang, mananahimik na lamang ang sexy actress at tatanggapin ang kanyang pagkakamali.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

5 thoughts on “Coco Martin, wala nang obligasyon sa anak ni Katherine Luna

  1. pokpok lang talaga ang katherine na yan hahaha! ginamit p si coco at sinirasiraan pa ng gaga…karma yan sa kanya