Coco Martin, umaasang maging escort ni Julia Montes sa debut ng dalaga!

NANG DAHIL sa super success ng team-up nina Coco Martin at Julia Montes sa teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN, balik-tambalan ang dalawa sa pelikulang A Moment In Time ng Star Cinema.

Ayon kay Coco, kikiligin, mai-inlove at mai-inspire ang manonood sa first big screen nilang dalawa ni Julia.

May mga pagkakataon kayang naisip nina Coco at Julia na sana’y naging totoo ang romansa nila on screen? “Para sa akin, kahit umaarte ako sa “Walang Hanggan”, mahirap umarte kapag hindi mo nararamdaman ang isang bagay. Kapag hindi mo naramdaman tapos inarte mo, ‘yun ang acting. Ako, kumbaga ang eksena, in love ako, bini-build-up ko talaga ang sarili ko. Kapag ang eksena malungkot, humahanap ako ng bagay na magiging dahilan kung bakit ako nalulungkot. Sa haba nang pagsasama namin ni Julia, sabi ko nga, hindi masama ang ma-in love. Napakaimposibleng wala kang maramdaman sa tao. After ng soap namin, sana makagawa kami ni Julia ng pelikula. Gusto ko pang magkasama kami,” masayang sabi ni Coco na ikinatuwa ng fans pati na rin ang buong cast.

Maging sina Gabby Concepcion at Cherie Gil na kasama sa cast ay natutuwa sa loveteam nina Coco at Julia kaya’t ang actor na ang nagtanong sa dalaga kung may pag-asa ba si Coco sa kanya? “Tayo’y paabang-abang lang, pakinig-kinig, naghihintay lang ng tamang pagkakataon,” matalinghagang sabi ng morenong actor.

Kung nasa tamang edad nga lamang si Julia, malamang na seryosong liligawan ni Coco ang dalaga. “Siyempre, may ganu’n sa isip ko,” mabilis nitong tugon.

Sa ngayon raw wala pa sa isip ng young actress na maki-

pag-boyfriend kahit puwede na siyang ligawan pagsapit ng kanyang 18th birthday this coming March. “Wala ako du’n sa point na relationship agad ang iisipin ko. Si Coco, mabait po siya at maalaga, kaya lang kinikilala ko pa siya. Hindi ko masabing senyales ‘yun. Kapag ang babae, inaalagaan mo kahit sino pa ‘yan, kahit hindi mo naman crush o hindi mo naman tipo, basta inaalagaan ka, pinaparamdam sa ‘yo para kang Prinsesa, siyempre, nakakakilig. Nu’ng nasa Europe kami, mas napansin ko lahat. Mas lalong nabigyan niya ng justice ‘yung work ng gentleman. Talagang maalaga siya, sa Lola ko lalo. Hindi siya ‘yung showbiz na ginagawa niya dahil kailangan.”

Inamin ni Julia na malaking puntos sa isang lalaki ang pagiging gentleman at maalaga sa babaeng mahal niya. “Importante naman sa isang tao ‘yung pagiging gentleman ka, marunong kang magalaga ng babae. Marunong kang mag-respeto ng babae.”

Sa puntong ito, parang may pag-asa si Coco na darating ‘yung araw na magkagusto sa kanya si Julia pati na rin ang pamilya ng dalaga.

Ikinuwento pa ni Julia na close sina Coco at ang Lola niya. Komportable rin siyang katrabaho ang actor compared sa ibang naging leading man niya. “Kung ano talaga ako bilang Mara, hindi Julia. Kung baga, off-cam, kung ano ako sa totoong buhay, alam na alam niya kung paano ako kumilos. Kung paano ako kumain, hindi ako nahihiya sa kanya. Alam ko gets niya ako kung ano ako,” pahayag nito.

Fairytale, Cinderella type ang gustong maging motive ni Julia sa kanyang birthday party. Hudyat na kaya ito na puwede na siyang ligawan? “Hindi ko alam kung ready na ako, ‘yung bang, ready na ba akong pasukin ‘yun? Ayaw kong magsalita nang tapos, ‘yun. Siguro in God’s time.”

Sa nasabing presscon, napag-usapan tuloy ang pagiging escort ni Coco sa 18th birthday ni Julia. “Nababalitaan ko, sinasabi niya sa iba. Siyempre, gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin, gusto niya akong maging escort sa debut niya. Actually, nag-i-expect din ako. Kasi, kapag kinuha niya akong escort, may puntos,” paliwanag ng actor.

Inamin naman ni Julia na hindi pa niya nai-invite personally si Coco para maging escort niya sa kanyang kaarawan. “Actually, i-invite ko siya, plano ko March na, kasi sobrang busy siya baka hindi siya siguradong makakapunta dahil nakapa-hectic ang schedule niya. Kaya palaging sabi ko sa interview, baka maudlot,” aniya.

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Coco Martin, umaasang maging escort ni Julia Montes sa debut ng dalaga!

  1. hehehe matanda na si coocoo madami nang bading at matrona natikman… super jologs pa… bagay sila ni julia parehong lumulubo ang mga mukha…parang laging may candy kinakain… siopao…

  2. malay nyo naman totoo yung kay coco pero kay julia baka nag-iisip din yun syempre bukod sa malaki ang agwat ng edad nila may anak din si coco mahirap nga naman yun!

  3. Pwede bang itigil na yan??? Tapos na ang teleserye!!!! at magmumukhang TATAY ni Julia Montes si Coco bading! Hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.