Coco Martin, superhero sa bagong fantaserye

SINUSULAT ITO’Y hindi pa namin napapanood ang 24/7 In Love, pero halos lahat ng nakakausap namin, in fairness, super sulit daw ang kanilang ibinayad. Super enjoy sila, kaya sa Monday na lang namin panoorin ng mga anak ko. Kasi naman, nitong weekend, OA ng taon ang pila sa mga sinehan.

Parang magugunaw na ang mundo bukas, kaya wagas ang pila sa mga sinehan. Hahahaha!

But that’s a good sign, ha? Talagang sumigla na uli ang movie industry.

At ‘pag napanood namin, hayaan n’yo at isusulat namin kung type namin ang movie.

 

TRAILER PA lang, parang naapektuhan na kami, huh! Ganyan ang dating ng One More Try. Ipinapanood lang ng Adprom head ng Star Cinema ang teaser ng pelikulang ito ay parang gusto na agad naming tumakbo ng sinehan para panoorin ito. ‘Yun pala, sa Pasko pa ito ipalalabas. Filmfest entry ng Star Cinema.

Baka mag-best actor uli rito si Dingdong Dantes, dahil bongga ang kanyang role dito. Nagkaanak sila ni Angel Locsin, pero ‘yung anak nila ay kailangan ng bone marrow transplant. Ang kaso, nag-iisa lang ito at walang kapatid. Kaya nakiusap kay Angelica Panganiban si Angel na baka puwedeng mahiram ang boyfriend nitong si Dingdong para magkaanak uli sila at mabuhay ang love child nila.

Nakakalokah, ‘di ba?

Paano kaya ‘yon? Napapayag ang girlfriend na si Angelica na ipahiram ang boyfriend niya sa ex-girlfriend (Angel) ng boyfriend niya?

Eh, pa’no naman si Zanjoe Marudo na boyfriend na minahal si Angel kahit may anak na ito ke Dingdong?

Wow! Ang salimuot naman nito! Nalokah kami.

Actually, after watching the trailer, I found myself teary-eyed.

Wow! Kung maka-i found myself naman ‘tong si Ogie Diaz, hahahaha!

Basta panoorin na lang ninyo sa Dec. 25. Baka idayalog n’yo rin ‘yang “I found myself!”

SA MGA nagtatanong kung anong susunod na gagawin ni Coco Martin after the phenomenal success ng Walang Hanggan, ang alam namin, isang fantaserye kung saan superhero ang kanyang role kasama si Zsa Zsa Padilla.

Right move ‘yon. Kasi, kung drama na naman ang serye niya, baka maikumpara sa Walang Hanggan, kaya mainam na mag-fantaserye tapos drama uli. Pero as of now, tinatapos ni Coco ang isang movie opposite Julia Montes na kinunan pa sa Amstermdam sa direksiyon ng gumawa rin ng Sta. Nina, si Direk Manny Palo.

Si Paulo Avelino naman, we heard lang din na nakatakdang gumawa ng teleserye, ang balik-tambalan nila ni Julia Montes. Tapos na ring gawin ni Paulo ang Shake, Rattle & Roll na Filmfest entry ng Regal Entertainment.

Ah, kami? Kung ano’ng naka-line up sa amin after Walang Hanggan? Ayun, hanggang wala, nganga.

But knowing ABS-CBN. Never naman kaming pinabayaan ng number one network ever since. And besides, kinontrata na rin kami ng ABS-CBN para gumawa ng teleserye at ito ngang Showbiz Inside Report. Kaya thankful na rin kami.

Right now, marami kaming panahon para sa aming four daughters, kaya hindi naman kami naiinip habang isinasabay na rin namin ang pagtitipid habang wala pang ginagawa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

24 thoughts on “Coco Martin, superhero sa bagong fantaserye

  1. hahahahah iyan ang hirap sa mga patay na patay sa network nila ndi naman sila binbigyan ng suweldo o pansin bakit kaya dapat tumulong na lang kyo sa kapwa or magtrabaho kyo ndi iyong nagtatalo sa wala namng kuwenta sabagy papansin lang siguro iyong iba dyan..

  2. kalowkah, may BAGO na namang primetime teleserye si COCO martin, katatapos lang ng WH. bakit yung ingratang artista ng abs cbn na may boylet na laging nagpapatalo at nagpapahiya sa pinas sa soccer games, up to NOW, zero projects pa rin sa primetime.

  3. dapat s tunay n buhay c coco martin magpaka super hero s pamamagitan ng pag aruga at pag suporta s anak niya k catherine luna, cy sarap ng buhay yong anak niya don bk walang makain, anong klaseng super hero yan? BAKA BAKLANG SUPER HERO pwede p.

    • di bagay ang super hero sa kanya, masyado na siyang associated sa pagiging hubadero sa mga indie movies niya at puede ba unahin nya munang sagipin ang anak niya sa hirap ano!

  4. twing nakikita koung ma\x comercial ni coco naiisip koung anak nya nadi manlang cguro nakakatikim ng masasarap na pgkain dhil hirap lng cla sa buhay dahil mg-isa lng c catherine na bumubuhay samga anak nya dahil nga mga walang balls  at mga iresponsable mga tatay ngmga anak nya….sana nman suportahan nani coco anak nya maawa nman za ang yaman2 nanya… 

    • There’s something wrong with the woman, may issue sya nun sa last na tatay ng anak nya. Yung kay Coco kaya nya naman ata di nasustentuhan dahil ayaw pakita sa kanya it was in the news nung bago bago palang sumisikat si Coco. A man like Coco who support his entire family eh parang mahirap paniwalaan.

  5. kapuso ako pero wag na tayong mabitter. Kung flop na ang movies ng kapamilya, saan na lang pupulutin ang sa GMA films? (remember ‘one last summer’ na pagkagulu-gulo ng storya)

  6. Anong superhero naman ang gagampanan ni FLOP king na si Coco?  Sobrang bansot at ang pangit ng katawan. Hindi ko maimagine na maging isa siyang superhero.

      • Hoy hindi ako Kanguso no.  Flop talaga ang movie ni Coco Martin.  Ni hindi umabot ng half a million.  Sikat bang maitatawag iyan.  Tapos gagawing superhero.  Wehhh.. hindi nga.  sobrang sabog ang nagkaidea niyan.

      • panong di umabot ng half million eh tingan mo nga ang MOJO box office, loka loka ka, research ka kaya muna ha ha ha

  7. SIYEMPRE TAGA ABS CBN YAN SI OGIE DIAZ, NA MUKAHANG TIPAKLONG,KAYA PANAY PRAISING NIYAN SA MGA TALENTS NG ABS CBN, KUMARENG OGIE, MUSTA NA,ANG GALING NG STYLE MO PARA KUMITA KA NG KWARTA NUNG NAKARAANG ELEKSYON,HAHA GINAWA MONG NEGOSYO ANG ELEKSYON AH, NAG FILE KA, PARA SA KANDIDATURA NG PARA KONSEHAL DIYAN SA Q.C.  NAG SOLICIT KA, PATI MGA ARTISTA HININGIAN MO,ANG DAMI MONG NA KUBRANG KWARTA, DAHILA SA SOLICITATION MO.HAHA EH NATALO KA,PERO OK LANG SA IYO BADING,DAHIL, MASKI NATALO KA,ANG DAMI MUNA MANG KWARTA.HAHA,EH TALAGANG MATATALO KA,DAHIL BIHIRA KA LANG MANGAMPANYA SA DISTRITO MO, TAMAD KANG MANGAMPANYA,HAHA GINAWA MO LANG MODUS YANG PAG KANDIDATO MO NUNG NAKARAANG ELEKSYON,PARA MAG KA KWARTA, HAHA

  8. flopsina ang 24/7 in love, feel na feel ko. truth hurts mga kapamilya. whether we like it or not. pinagsama sama na ang mga prime artist ng kapamilya pero waley pa rin, it’s capital F-L-O-P. dibale nangunguna pa rin naman sa pag gawa ng mga pelikula ang kapamilya and madalang lang ang mga flopsina nilang movies whereas ang mga kapuso movies….

Leave a Reply

Your email address will not be published.