Coco Martin, sobrang pinagsisihan ang sapakan nila ni Matteo Guidiceilli!

AYON KAY COCO Martin, matapos ang insidenteng awayan nila ni Matteo Gui-dicelli sa Star Magic Ball nang dahil sa girlfriend ng huli na si Maja Salvador, hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon na magkita sila nito. Pero natuldukan na raw nga kung anuman ‘yong hindi pagkakaunawaan na namagitan sa kanila.

Sabi nga ni Coco, “Para sa akin, that time na humingi siya sa akin ng sorry niya, iyon na ‘yun, e. And honestly, ako… nagsisisi ako. Na sana hindi na humantong sa gano’n. Kasi before na nangyari iyon, alam ko na magkaibigan kami ni Matteo. Hindi ko akalain na aabot kami sa gano’ng sitwasyon. Kung bakit humantong pa sa gano’n. Puwede namang idaan sa maayos na usapan. Pero minsan nga kasi, may mga biglaang sitwasyon na hindi natin maiiwasan.”

Ganunpaman. Okay na nga raw sila ni Matteo sa ngayon. Wala naman daw problema sa kanya kung halimbawa, magkasama pa sila sa trabaho one of these days.

“Kinalimutan ko na ‘yon. Nag-move on na ako. Busy lang siguro kami sa mga schedules namin. Pero nakita ko naman kay Matteo na sincere siya sa paghingi niya ng sorry. Ako naman… nakalimutan ko na ‘yon. At pinatawad ko na rin siya.”

Dahil sa nangyari, parang na-trauma na yata si Coco being with Maja na nakapareha niya sa isang katatapos na primetime drama series ng ABS-CBN. Nagpasabi kasi ang aktor sa pamunuan ng Star Magic (na namamahala sa career ng mga Kapamilya Stars) na hindi muna siya tatanggap ng mall show o road show na pagsasamahan nila ng young actress.

Hindi muna raw niya kayang makipag-duet kay Maja. Dahil ayaw na raw niyang maulit ‘yong nangyari sa Star Magic Ball (na nag-away sila ni Coco dahil sa isyung ninakawan nito ng halik si Maja dahil nadala sa kantiyaw ng fans).

Sabi pa nga ng aktor… “Sobra kong pinagsisihan iyon. And the bilang lalaki at bilang respeto, alam ko naman ang nararamdaman ng tao (Matteo).”

‘Yun na!

 

NOON PA MAN, sinasabi na ni Lovi Poe na isa si Jericho Rosales sa mga showbiz crush niya at pinapangarap ding makatrabaho o makapareha. Nagkaroon ng katuparan ang dream na ito ni Lovi dahil nakasama nga niya ang aktor sa Yesterday Today And Tomorrow na isa sa mga entry sa nalalapit na 2011 Metro Manila Film Festival.

“It’s a super-great experience,” paglalarawan ni Lovi sa tsansang makatrabaho niya si Jericho. “Super-galing niya. As in… hands down, ang galing talaga niya. Nadadala nga ako do’n sa mga eksenang magkasama kami. I feel like watching him.”

Aminado ang young actress na na-starstruck nga raw siya kay Jericho. Eversince daw naman, gano’n siya kapag nakikita ang aktor.

Nakatrabaho na rin ni Lovi ang isa pang Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa My Neigbor’s Wife. Dahil dito, hindi maiwasang matanong siya kung sino kina Jake at Jericho ang mas magaling.

“Pareho sila. I mean they have the same… they are very open in doing something. Ako kasi pagdating sa mga eksenang kukunan, I always listen to what the directors will tell me. Pero sila (Jake and Jericho ), they openly say something na… can I do this, can I do that? And… very refreshing.”

Si Lovi pala mismo ang nag-request na si Jericho ang makapareha niya sa Yesterday Today And Tomorrow. At talagang puring-puri niya ang aktor bilang katrabaho.

“Working with Jericho … he’s really good. Super-funny siya sa set. Tapos kapag seryoso… wala, e. Parang natural na talaga sa kanya. He doesn’t need very much motivation or anything.”

After Congressman Ronald Singson, nananatiling zero pa rin daw ang lovelife ni Lovi hanggang sa ngayon.

“Dating lang. Finally, I’m learning the dating procedure.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Coco Martin, sobrang pinagsisihan ang sapakan nila ni Matteo Guidiceilli!

  1. SINO BA NAMAN ANG HINDI MAGSISISI, YUNG PUBLICITY STUNT NILA NI MATTEO aka NO CAREER AY WALA NAMANG NAPALA DAHIL YUNG EPIC-PEK FILM NA THELMA NI MAJA BLANCA AY DINUMOG NG LAMOK AT BANGAW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!…………MAS MALAKI PA YUNG KINITA NG AMAZING SHOW SA FILM CENTER………..HAHAHAHA…………NAKATAE NA LAHAT-LAHAT YUNG USHER EH WALA PA RING PUMAPASOK AT NAUBOS NA YUNG KULANGOT NG TAKILYERA KAHIHINTAY SA PAPASOK……………..HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.