Coco Martin, sobrang galing


LUNES NANG GABI, kaliwa’t kanang tawag at text message ang tinanggap namin, ang dahilan—si Coco Martin.

Walang halong eksaherasyon, pero nagmumura ang lahat ng mga nakausap namin, napapamura dahil sa galing sa pagganap ng aktor na nagniningning ang pangalan ngayon dahil sa kanyang kapasidad at hindi dahil sa kanyang popularidad.

Nakatutok ang publiko sa ilang huling gabi pa ng Tayong Dalawa, ang tele-seryeng nagbigay lagnat sa buong bayan, ginagampanan ni Coco Martin ang papel ni Ramon na kapatid nina Gerald Anderson at Jake Cuenca na malapit na malapit sa kanyang lola ng ginagampanan naman ng hayup din sa pagganap na si Gina Pareño.

Sabi ng isang tumawag sa amin nu’ng Lunes nang gabi, “Hayup si Coco Martin! Nakakadala ang eksena nila ni Lola Gets (Gina Pareño)! Grabe ang galing ni Coco, naghahalo-halo ang luha, sipon at laway niya sa pag-iyak!

“Saan ba nanggaling ang batang ‘yan? Bakit ngayon lang siya nabigyan ng chance? Napakagaling na niya, guwapo pa!” komento ng isang dating kaklase namin sa kolehiyo na naadik na sa Tayong Dalawa nang dahil kay Coco Martin.

Komento naman ng isang propesor na matagal nang humahanga kay Coco, “Nakita mo ‘yun? Nakita mo ‘yung eksenang palabas na siya sa pintuan, pero bumalik pa uli siya para yakapin si Gina? Hayup ang batang ito, napakagaling!” papuri ng aming kaibigan.

Isang text message naman ang nagsabi ng ganito, “Pakisabi sa Dos, bigyan pa ng maraming projects si Coco Martin, napakagaling niyang umarte, ang ganyang klase ng mga aktor ang dapat nilang binibigyan ng magagandang roles at hindi ‘yung mga basta guwapo lang!

“Ang galing-galing niya, matutulala ka na lang habang umaarte siya, wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya sa mga breakdown scenes niya!” kabuuang nilalaman ng text message ng aming kaibigan.

by Cristy Fermin

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

9 thoughts on “Coco Martin, sobrang galing

  1. Congratulations COCO MARTIN for winning BEST SUPPORTING ACTOR for JAY in the recently concluded GAWAD URIAN. you really deserved it man! GOOD LUCK to your career. And to ABS-CBN KAPAMILYA you are truly the best. Binigyan niyo ng magandang role si COCO and making him a BIG STAR. GO KAPAMILYA

  2. Korek kayo dyan mga friendster basta silang dalawa ni lola Getz ang magka eksena grabe cry me river talaga…… totoong talbog talaga sila kay Coco & Ingrid…… galing to the max na too………………..

    LOVE YOU RAMON. COCO,,,,,BASTA ang galing mo ,we know next year you will be recognize on your acting capability………….

  3. coco, hope u could get well soon.. magpagaling ka.. hihintayin ka naming mga fans mo.. cant wait to see more of you in abs-cbn..

  4. iba xa pag umakting, madadala k tlga..bakit kya d nlng xa ung bida??hahaha..dpt tayong tatlo pamagat eh..talbog ung 2 bida pagdating s akting..more projects for coco pls!….

  5. Im very impress………………Galing ni Coco he is my latest crush………………….preho sila ni Jake magaling umarte may lalim……………..

Leave a Reply

Your email address will not be published.