Coco Martin, sinisira lang ni Katherine Luna?!

SA PAGLANTAD NI Katherine Luna sa pagpapainterbyu niya sa programa ni Tita Cristy noong Linggo, Mother’s Day, hindi naiwasang ang maging sentro ng usapan eh, ang mga bagay na may kinalaman sa nakaraan nila ni Coco Martin. At ang mga tanong na inilahad eh, may kinalaman sa sinasabing anak niya sa mahusay na aktor.

Kasunod nito ang paglabas ng mahabang interbyu ni Katherine sa isang babasahin ng ABS-CBN Publishing na nagpahayag naman ng mga nangyayari ngayon sa buhay niya, at ang pagsalag niya sa mga balitang nagsasayaw na lang siya diumano sa isang bar sa Novaliches, na nagiging isang lasenggera na lang siya at ang hindi magandang imaheng iba-iba na ang kanyang nagiging karelasyon sa puntong ito.

Nagkakaroon ngayon ng kaguluhan dahil sa nasabing paglantad ni Katherine, dahil na rin sa mga nabitawan nitong salita sa nananahimik na kakatanghal lang bilang Best Actor (for his role in Kinatay) sa Golden Screen Awards.

Dahil sa mga nangyari, nakarating sa amin ang balitang ang manager ni Coco ngayon na si Biboy Arboleda ang galit na galit at itinatanong kung ano ang naging kasalanan ni Coco para ito masentro sa mga usapang sinisimulan daw ni Katherine para patuloy na siraan ang aktor?

Ang salag ng mga kumapanayam kay Katherine, sa print man o sa TV eh, ang paglalahad lang ng mga tinuran nito sa kanyang interbyu at ginawa lang ang kanilang trabaho.

Ang salag naman ng manager ni Coco, para ano at para saan? Ang punto naman niya, may lalabas na pelikula si Coco in two weeks, may mga endorsements siya ng aktor na inaasikaso. Kung sakaling maapektuhan naman daw ang mga ito sa pagdaldal ng Katherine na ito na kung saan kinalkal, sino raw ang sisisihin niya? Ang tanong niya eh, kung mapapanagutan daw ba ito ng sinuman sa kanila kung maging negatibo nga ng resulta?

Who’s at fault? Who’s to blame?

LUNES NG TANGHALI, isang frantic na text ng tumatakbo bilang Bise-Alkalde ng Makati (na ka-team ng tumatakbong Mayor na si Atty. Erwin Genuino) na si Jobelle Salvador, ang aking tinanggap.

Na ini-report namin sa mga katotong nagpa-patrol sa iba’t bang polling places nu’ng araw ng halalan.

‘Eto ang text ni Jobelle: “Saklolo! Nagha-harass si Mayor Binay w/ Rene Saguisag sa mga schools in Makati. Pinalalabas lahat ng naka-pula at pinahu-hubad. Mapa-lalaki o babae, hindi pinaboboto. Pati PCOS machines, sira raw kaya pinaalis ang mga tao. HELP!”

May kasunod pa ito: “Lahat ng present (sic) pinuntahan ni Binay pinalabas lahat ng tao. Nag-uumpisa na sila sa District 2. Pls! Saklolo lang maraming di nakakaboto. Pinipili lang nila. Pag alam nilang kalaban pinapa-alis nila. Lalo na mga senior citizen at youth. Kayang-kaya nilang takutin.”

Naipahatid namin ang reklamo ni Jobelle sa mga kinauukulan para imbestighanan at aksyunan.

And as the day went on-nakita na ng sambayanan ang direksyon ng pinupuntahan ni Mayor Jejomar Binay sa halalang ito.

Kung naka-puwesto ba si Jobelle sa tinalkbuhan niyang posisyon eh, hindi pa kumpirmado as of this writing.

Who’s at fault? Who’s to blame?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

7 thoughts on “Coco Martin, sinisira lang ni Katherine Luna?!

  1. alfie Lorenzo- Abante.com

    Ayaw padaig ng magbababoy na Katherine na tisay din, naghukay din ng kuwentong nabaon na ng limang taon sa lubluban ng mga baboy. At nagbulalas na naman sa harap ng mga kamera ng telebisyon.

    Itong si Katherine Luna ay nanalo raw ng best actress award sa una niyang starring role na “Babae Sa Breakwater”. Naimbudo kaya siya dahil this year ay muli na namang nanalo si Coco Martin ng “best actor” award niya? Anong balak ni Katherine? Anong plano niya? Mag-comeback and have another starring role opposite Coco Martin?

    Magiging kawawa sana sa mata ng publiko si Katherine Luna kung dahil sa sinasabi niyang nabuntis siya ni Coco Martin at itinanggi ni Coco ang naging anak niya at ‘di man lang nagsustento, kaya si Katherine ay na ging dancer na lang sa mga mumurahing bars at na ging lasengga na.

    Pero hindi tumalab sa televiewers ang masamang balak ng babaing ito laban kay Coco. Dahil sa sariling bibig na rin niya nanggaling ang pagiging lukaret niya.

    Nagdusa sana siya nu’ng hindi akuin ni Coco ang naging anak niya kaya siya napasadlak sa isang magulo at kawawang buhay at ni pambili ng gatas para sa anak eh wala!

    Ang kaso nga, nagkaroon na naman pala siya ng karelasyon at nagkaanak pa ng hindi lang isa kundi dalawa pa! At ang nakakaloka eh iniwan din pala siya ng ama ng dalawang anak niya kaya siya nagbababoy na!

    So sinong may diperensya? May isang anak na kay Coco dinagdagan pa. Eh ‘di anakin pala talaga ang babaing ito?

    Now, heto ka na, kung sustento lang sa anak daw niya kay Coco ang habol niya, eh bakit iniskandalo na naman niya uli ang aktor sa telebisyon? Bakit hindi na lang niya kinausap nang personal si Coco at nagmakaawa para sa dalawa pang anak niya na iniwan ng nakabuntis sa kanya baka maawa pa si Coco sa kanya at bigyan siya ng mas malaking halaga?

    Bakit iniskandalo pa niya ang aktor? Sa palagay kaya niya ay mas makakahingi siya ng sustento by doing such? Eh kung makaapekto na naman sa kasikatan ni Coco ang ginawa niya, saan pa siya kukuha ng sustento kung mawawalan na naman ng trabaho si Coco dahil lang sa kabaliwan niya?

    Bagito lang noon si Coco Martin nang mabalitang nabuntis si Katherine Luna. Inamin ni Katherine na nu’ng buntis siya ay binigyan siya ng pera ni Coco and after that wala na. Dahil kasi sa eskandalong ginawa ni Katherine noon ay nanlamig ang career ni Coco kaya wala siyang trabaho.

    Unti-unti ngang gumapang si Coco paakyat sa kasikatan niya sa ngayon. Nawala sa eksena si Katherine Luna kaya nanahimik na rin ang aktor at isinubsob sa trabaho ang sarili niya at kinalimutan muna niya ang pakikipagrelasyon uli kaninuman.

    Now that paakyat na nga si Coco sa hagdan ng tagum pay, heto uli ang babaing ito na gusto na naman siyang hilahin pababa. Anoh bah?

    Hindi naman ikinakaila ni Coco Martin na binigyan nga niya ng pera si Kathe rine Luna nu’ng buntis ito hindi dahil sa inaamin ni Coco noon na siya nga ang ama ng ipinagbubuntis ni Katherine kundi dahil sa awa. Naawa si Coco dahil hindi lang naman siya ang manliligaw ni Ka therine kasi marami ring mga lalake ang umaaligid sa dating aktres. Malay rin ni Coco na baka isa sa mga lalaking nakarelasyon ni Katherine ang ama nu’ng ipinagbubuntis nito. Sa madaling salita, hindi lang siguro si Coco ang bukod-tanging lalake na naka-date ni Katherine at nakasi ping. Maaaring playgirl si tisay at alam niya kung sino ang nakabuntis sa kanya. At kaya lumapit siya kay Coco eh bilang kaibigan. Na kaya naman nagbigay ng pera si Coco ay dahil dumaing sa kanya ito at nangangaila ngan nga ng pera. Ngayon eh minasama pa ang ginawang pagtulong ni Coco sa isang kaibigan? Na nu’ng hindi na maka-take two ng paghingi ng pera kay Coco eh iniskandalo na ang baguhan pa lang na aktor noon?

    Kinalimutan na niya si Coco Martin noon. At nakatagpo uli siya ng bagong lalake sa buhay niya. Kundi ba naman nasarapan sa pagsasama nila ng lalake niya itong si Katherine eh bakit nakadalawang anak pa siya rito? Bakit hindi ‘yung nakaiskor ng dalawa sa kanya ang habulin ni Katherine? Dahil ba sa walang pangalan ‘yun? Dahil hindi aktor? Dahil hindi best actor? Dahil hindi kasinglaki ng income ni Coco Martin ngayon ang kinikita nu’ng ama ng dalawang anak niya?

    Hindi ko sinasabing si Katherine Luna ito. Pero ang ibang babaing nakilala ko ay ginagawang puhunan ang mga anak nila para makahut hot sa mga naging lalake nila. Isang bata lang pero limang lalake ang hinihingan ng sustento. Meron ding mga babae na sadyang nagpapaanak lang para easy-money.

    ‘Yung nahinging pambili ng gatas eh pinambibili ng alak o droga o ‘di kaya eh pang-online gaming.

    Malaking raket ‘yan.

    Sana inisip muna ni Ka therine Luna na ipa-DNA test ang anak niya para matiyak na si Coco Martin nga ang ama ng anak niya. At saka siya mag-eskandalo ‘pag sigurado na. At tumanggi si Coco Martin na magbigay ng sustento sa naging anak nila. Hindi ‘yung one-sided ang kilos ng babaing ito na siya lang ang gustong pakinggan ng taumbayan at husgahan kaagad ang aktor na walang kamalay-malay sa naganap kung may naganap nga, noh!

    Hay naku iha, kung sana eh kami ang nilapitan mo muna eh ‘di sana tagumpay ka! Maaari ka naming natulungan sa ibang paraan. Malay mo maka-comeback ka pa lalo na at uso sa Wowowee ang mga kamukha mo! Next time huwag pabarubal ang kilos ah, mag-esep-esep munang mabuti. Hayan tuloy, sa halip na maka-jackpot ka nabutata ka tuloy! Lotang-lota ka niyan ‘neng. Palpak ka!

    Now, don’t even try a second time kundi mamanik yuran ko ang mga coco sa kamay mo at ipe-pedicure ko ang mga paa mo! ‘Pag maayos na at maganda na ang mga coco mo hindi mo na mami-miss si Coco Martin, pramis!

  2. from abante.com
    alfie lorenzo

  3. Hindi ako affected sa issue ni Coco Martin. Matagal na ito at bakit lumalabas na naman ang ex para magdaldal. Kailangan siguro nang exposure o binayaran ni Cristy para meron lang mapagusapan sa kanyang show. Coco is a good actor in his own rignt and whatever he did in his personal life is far and apart from his career as an actor. Good luck na lang sa girl at kay Cristy.

  4. talagang ang intension palagi ni fermin ay makasira ng
    buhay ng isang tao para lamang mag-rate ang kanyang
    show.darating din ang araw niya. makakarma din siya./
    isama pa rito si ruffa na napaka-fake ang pakikitungo
    sa mga tao.

  5. Kaya pinaalis ni mayor binay ang mga nakapula kasi glaringly red ang suot, may ID pa ng kandidato, & obvious na nangangampanya. I should know coz I saw them myself. Bawal na yon pag election day kasi harassment na sya. Di ba alam ni Jobelle yung basic rule e tumatakbo syang vice mayor? Ayun tuloy kulelat! Help daw?? Yuck!

  6. Kaya pinaalis ni mayor binay ang mga nakapula kasi glaringly red ang suot, may ID pa ng kandidato, & obvious na nangangampanya. I should know coz I saw them myself. Bawal na yon pag election day kasi harassment na sya. Di ba alam ni Jobelle yung basic rule e tumatakbo syang vice mayor? Ayun tuloy, kulelat! Help daw?? Yuck!

  7. Don’t bother, kaya namin pinapanood si Coco Martin dahil sa husay niya sa pagganap bilang aktor at hindi ang kanyang personal na buhay. So, to Cristy Fermin?…eat your heart out!

Leave a Reply

Your email address will not be published.