Coco Martin, sabik sa anak kay Katherine Luna

NANG DAHIL SA Tayong Dalawa, nakilala ang galing sa pag-arte ni Coco Martin. Hindi siya nagpahuli kina Jake Cuenca at Gerald Anderson sa mabibigat nilang eksena sa nasabing soap. Lutang na lutang ang character na kanyang ginagampanan na lalong ikinasikat ng binatang ama.

Naging kontrobersiyal ang indie film niyang Serbis na dinirek ni Brillante Mendoza. Naging entry rin ito sa Cannes Film Festival last year. Ikinagulat namin ang pagpapakita ni Coco ng kanyang private part habang nakikipagtalik sa isang baguhang artistang babae sa nasabing pelikula. Palibhasa may karapatan at may ipakikita kaya wala siyang kiyemeng maghubo’t hubad sa harap ng kamera para maging makatotohanan ang eksena. Hindi daw alam ni Noel Ferrer (dating manager ni Coco Martin) na may frontal scene ang kanyang alaga. Nagkaroon pa nga raw ng pagtatalo ang dalawa na naayos naman agad.

Normal na kay Coco ang ganitong eksena, hindi na nga natin mabilang ang mga gay films na kanyang nilabasan. Biggest break niya ang Masahistani Direk Dante at ngayon nga ang Kinatay (Butchered). Nanalong Best Director si Brillante sa Cannes Film Festival sa France sa pelikulang ito. Dahil sa indie films, nakilala ang actor, hindi lang dito sa atin, kundi maging sa ibang bansa.

Ngayong nasa mainstream na si Coco, hindi maiiwasang intrigahin ang aktor. Hindi puwedeng hindi mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Katherine Luna na naanakan niya. Inamin niyang naging sentro sila ng kontrobersiya noon kaya naging mailap siya sa movie press. As much as possible, ayaw na nga niyang mapag-usapan pa ang kanyang private life. May kanya-kanya na silang buhay na tinatahak .

Naka-focus ngayon sa trabaho si Coco kaya wala munang lovelife. Sumasagi pa rin sa isipan niya ang kanyang anak kay Katherine. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkikita ang mag-ama. Four years old na ang bata, gusto niyang mayakap at makausap man lang ito. Alam niyang marami siyang pagkukulang bilang ama.

Tuluyan na nga bang pinabayaan ni Coco ang anak? “Mahirap magsalita, alam kong may mga pagkakamali ako at pagkukulang bilang ama. Gusto kong ayusin ang mga bagay-bagay tungkol sa anak ko. Sana dumating ‘yung time na makapag-usap kami ni Katherine. May pamilya na rin siya, gusto kong makita at mayakap ang anak ko. Alam kong darating din ‘yung time na makapag-uusap din kami, maaayos din ang lahat. “’Yung kami lang, walang media, ayaw kong mangyari ‘yung nangyari noon,” pakiusap ng aktor.

Inamin ni Coco na na-trauma  siya sa nangyaring kontrobersiya sa kanila ni Katherine. Ayaw na niyang maulit  ito. Kung magkakaayos man sila, bilang magkaibigan na lang para sa kapakanan ng kanilang anak. Kaya naman work to death ngayon ang aktor para makaipon at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

Katatapos lang gawin ni Coco ang Biyaheng Lupa, na directorial debut ng premyadong scriptwriter na si Armando Lao. Kasalukuyan naman niyang ginagawa ang action-adventure na Agimat sa Kapamilya network. Sa obserbasyon namin, lalong naging maganda ang takbo ng showbiz career ni Coco mula nang hawakan siya ni Biboy Arboleda, nagkasunud-sunod agad ang TV projects niya sa Dos.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

30 thoughts on “Coco Martin, sabik sa anak kay Katherine Luna

  1. cute ng baby mo coco…malapit lang sa amin si katherine luna….nakapanganak n sighuro siya sa new jowa nya… ang address nya sa 1st st…main paco manila….that was last year try mo if interested ka…galing mo sa tayong dalawa the best!!!!

  2. Malaki ang crush ko sa taong ito. Hindi makatulog. Nagkaroon na tuloy ako nang insomnia. I love you Coco!

  3. tama korek kayong lahat. sa totoo lang kung mamamatay si coco sa tyong dalawa mawawalan ng saysay ang story. sya kaya nagdadala ng story. magaling syang umarte, mapa kontrbida,mapabida. kaya sikat sya kasi may talent talaga.

    keep it up ramon.

  4. sobrang galing talaga ni coco…as in!kaya di talaga ako naniwalang patay na si ramon dahil kng ganon mwawalan ng saysay ang tayong dalawa…kilig ako sa knila ni alex hahahaha sana dagdagan pa ang projects nya

  5. ay walang nega comments! very lovable nman kasing tong guy na to khit kontrbida! hayssss! lutang na lutang acting nya sa Tayong DAlawa! Mas magaling p saya sa bida! ahihihi!

  6. Coco, everytime I see you, kinikilig ako. Lakas nang sex appeal mo. Puwede ba, TAYONG DALAWA na lang?

  7. maganda talaga ang story ng TD second ang MBP!
    itong 2 lang ang inaabanagan ng mga manonood.
    kaya nga palaging nasa top 2 ang ratings.

  8. sya lng ang inaabangan ko sa tayong dalawa…mas exciting pa ang next na ipapaplabas abt sa paglutang ni ramon,very nice ang new hairdo nya,parang anime na emo…sya ang tipo ng kontrabida na mamahalin mo dahil napakaamo ng mukha…go papa coco!!!

  9. galingan mo bata! expect mo na mag-uuwi ka ng napakaraming awards soon.

    the next christopher de leon ng philippine cinema.

    basta apak lang sa lupa at wag sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.