Coco Martin sa naninira sa kanya: ‘Hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!’

 

Coco Martin

BINASAG NA ng Ang Probinsyano lead star na si Coco Martin ang kanyang pananahimik tungkol sa mga naninira sa personal niyang buhay.

Natuon lang ang pahayag ni Coco sa diumano’y detractors niya na nagpapakalat ng maling balita.

 “Sabi ng Lola ko nung bata pa ako mag sumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa,” simulang bahagi ng post ni  Coco sa kanyang Instagram account during the Holy week habang nasa Japan siya at nagbabakasyon kasama ang kanyang lola at si Yassi Pressman.

Dugtong pa niya, “Mahirap lang ang buhay namin simple pero mapayapa. hindi kami ng aapi at ng aagrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikielam ng buhay ng ibang tao.

Sabi sakin ng Lola ko ang mga tao mahilig pag usapan ang buhay ng ibang tao ay ang mga taong walang magawa sa buhay nila kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak ang kanilang mga magulang mag sumikap sa kanilang trabaho at mag aral ng mabuti mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag usapan ang buhay ng ibang tao para manira!

Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan.

May kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

Nagtatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag nman sana ang buhay ko ang pagkwentuhan nyo dahil hindi interesado ang buhay ko.

Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapakipaki nabang na paguusapan para sa ating lipunan para may maiambag nman tayo sa ating bayan!

Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pagusapan ang buhay ko. Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko.

“Tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo nalang ang ikwento mo sigurado ako mas intersante ang buhay mo!

Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sasarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira!

Pasensya kana ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless.”

Nali-link si Coco kay Julia Montes na napabalitang nanganak kamakailan lang at si Coco ang itinuturong ama.

Lumabas din ang balitang palaging mainit ang ulo ni Coco sa set ng Ang Probinsyano simula nung kumalat ang naturang balita. Nali-link din ngayon si Coco kay Yassi na leading lady niya sa teleserye.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

5 thoughts on “Coco Martin sa naninira sa kanya: ‘Hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!’

  1. WOW, KUNG WALANG VICE DI KA SISIKAT , YABANG MO, DI MO NGA MAAMIN NA ME ANAK KA NA SA ISANG AKTRES NUON EH, .. NGAYON PA KAYA?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.