Coco Martin, producer na rin ng sariling pelikula

Coco-MartinTHIS TIME, producer si Coco Martin kung hindi ako nagkakamali. Mukhang maganda ang first project ni Coco kung saan siya ang isa sa major investor via the movie Padre de Pamilya, kung saan halos lahat ng kasali sa pelikula ay award-winning performers.

Bukod kay Coco as producer, first time makakasama ng aktor si Nora Aunor. Maging sina Joel Torre, Rosanna Roces at Anita Linda, makikipagsabayan sila sa isa’t isa sa pagalingan ng pag-arte.

One nice thing about the film na nagsimulang mag-shooting first week of January lang, ini-expect na pang-award para sa lahat ng mga kasali from the lead actors to the supporting roles, walang itulak-kabingin ang award-giving bodies kapag naipalabas na ito at makikipagsabayan sa award season.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.