Coco Martin: Prinsipe ng Pinoy Indies

MUKHANG HINDI NA talaga mapipigilan pa ang pagsikat ng ‘Prince of Pinoy Indie Films’ na si Coco Martin. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanyang natural na pag-arte at mapapangiti sa kanyang mala-anghel na mukha? Parang kailan lang natin siya napanood sa pelikulang Masahista. Ngayon, gabi-gabi na natin siyang kapiling bilang si Ramon sa Tayong Dalawa, kung saan katambal niya si Alessandra de Rossi at aminin na rin natin na madalas pa niyang masapawan sa aktingan ang mga bidang sina Jake at Gerald, ‘noh!

Si Coco Martin ay si Rodel Nacianceno sa totoong buhay. Nag-umpisa siya bilang isa sa mga miyembro ng Star Circle Batch 9, pero hindi siya sumikat. Mas priority niya kasi noon ang pag-aaral at kuntento na sa mga modeling gigs.

Ipinakilala siya bilang isang lead indie actor sa pelikulang Masahista, na umani ng maraming papuri hindi lang sa ‘Pinas kundi maging sa ibang bansa. Dahil dito, sunud-sunod na ang naging pelikula niya tulad ng Kaleldo, Siquijor, Tirador, Nars, Tambolista, Daybreak, Ataul for Rent, Batanes, Condo, Next Attraction, Jay, Serbis at Kinatay, ang pelikulang nagbigay ng parangal sa ating bansa noong nakaraang Cannes Film Festival.

Lumabas na rin siya noon sa ilang Kapuso shows at naging parte pa nga ng isang boy group. Hindi nga lang sumikat ang kanilang grupo kung kaya’t lumipat ito sa bakuran ng Dos para gawin ang Ligaw na Bulaklak at Tiny Tony. Ngayon nga ay kinababaliwan ng mga primetime bida addicts ang performance ni Coco sa Tayong Dalawa. Marami pa nga ang naaliw nang sabihin niya sa isang interview na nagtataka siya kung bakit siya naging kontrabida kina Jake at Gerald, eh ang amo-amo ng mukha niya at hindi rin siya ganu’n katangkad. Ganyan ‘ata talaga kapag magaling kang artista, Coco. Kahit anong papel pa ang itoka sa ‘yo, kakayanin mo.

Sa wakas ay magbibida na rin si Coco Martin sa Tonyong Bayawak episode ng Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla series. Siya rin ang napili bilang isa sa leading man ni Maja Salvador sa upcoming soap opera ng young star.

Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagsikat ni Coco sa mundo ng mainstream movies. Sana lang, hindi siya tumigil sa paggawa ng indie films kung saan siya unang nakilala at minahal ng publiko.

By Pinoy Fans Club

loading...

7 thoughts on “Coco Martin: Prinsipe ng Pinoy Indies

  1. Hello Coco (“,), grabe ang cute mo & I like how you portray your roles. Visit mo yung face book ang dami mong fan, talagang araw araw dumadami. Sana magkaroon k p ng maraming dramas on tv yung ikaw naman yung maging bida. For sure papatok yun!

  2. ang galing galing ni ramon, dapat cya na lang bida…
    sana bigyan si coco break ng abs, cya nman ang gwing bida s primetym… pwede c kaye abad din..i miz u EDS

  3. ISA SA MGA PINAKAMAGALING NA BATANG AKTOR SA KANYANG HENERASYON. KAHIT ANG NAG-IISANG STAR FOR ALL SEASONS NA SI MS. VILMA SANTOS AY HANGANG HANGA SA KANYANG GALING AT PAGIGING NATURAL UMARTE. MORE SHOWS, MORE AWARDS FOR COCO MARTIN. THERE’S NO PLACE LIKE HOME TALAGA COCO DAHIL NAGBALIK KA SA TUNAY MONG TAHANAN WALANG IBA KUNDI ANG IYONG KAPAMILYA: ABS-CBN 2

  4. ANGARA NAMATAY C GRETA SA TAYONG DALAWA MALUNGKOT NA 2LOY C RAMON DAPAT PATAYIN NI RAMON C DAVE KAC MAYABANG YUN …..BIDA MAYABANG DAPAT C RAMON NA LANG BIDA … TZAKA UNG AUDRI NA UN MUKHANG BURIKAT PINAG KA2ISAHAN NYA UNG MAG KAMBAL BURIKAT XA BURIKAT,,,,,,,,,,, MAQLANDI BUTI PA C GRETA DI MALANDI….. C AUDRI SIMPLENG MALANDI……………….

Leave a Reply

Your email address will not be published.