Coco Martin, pinataob ang ibang actors sa lakas ng karisma!

NAKAMAMANGHA ANG sobra-sobrang kasikatan ng ABS-CBN Prime Actor na si Coco Martin na maituturing na pinakasikat na actor sa bansa ngayon. Kami mismo ang nakasaksi kung papano nito napuno ang malaking venue ng Music Hall ng Mall Of Asia para sa launching ng kanyang pabango sa Bench.

Libu-libong tagahanga ng mahusay na actor ang sumuporta sa launching ng kanyang pabango na talaga namang hindi magkamayaw sa katitili habang rumarampa si Coco na ini-spray ang kanyang pabango.

Present sa nasabing launching si Sir Ben Chan at mga invited press people na pare-parehong nag-agree na sobrang guwapo nang araw na iyon si Coco at ibang-iba talaga ang karisma nito sa mga tao kumpara sa ilang actors ng lahat ng TV networks.

 

SPEAKING OF Bench magaganap din sa MoA Arena sa Sept. 13 and 14 ang inaabangang Bench Universe, kung saan rarampa ang ilan sa maningning na showbiz celebrities at top maniquins sa bansa.

Ito’y pangungunahan nina Richard Gomez, Lucy Torrez, Dingdong Dantes, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Steven Silva, Rocco Nacino, Sarah Lahbati, Aljur Abrenica, Enchong Dee, Borgy Manotoc, Georgina Wilson, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Jessy Mendiola, Diether Ocampo, Coco Martin, Carla Abellana, Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Bela Padilla, atbp.

 

MARAMI ANG nagulat sa naging thank you speech ni Christian Bautista nang manalo ito sa katatapos at matagumpay na PMPC 4th Star Awards For Music na ginanap sa Meralco Theater para sa Pop Album at Male Pop Artist of the Year.

Kung saan malungkot nitong sinabi na nasa punto raw siya ngayon ng kanyang buhay na hindi niya alam ang kanyang pupuntahan. Naging isa tuloy itong palaisipan sa mga taong nakarinig sa kanyang naging pahayag.

Mukhang may pinagdaraanang mabigat na problema si Christian na marahil sa sobrang bigat ng kanyang dinadala ay hindi na niya nagawa pang itago ito at tuluyan nang sumabog at kusa na lang lumabas sa kanyang bibig ng kanyang bitawan ang kanyang thank you speech.

Sana ay maayos ito ni Christian na sikat na sikat pa naman sa Indonesia at maituturing na isa sa mahusay na mang-aawit sa bansa.

 

MUKHANG NAG-E-ENJOY at wala pang balak bumalik ng Canada ang Mutya ng Pilipinas-Canada na si Gina Damaso na hindi man pinalad na manalo sa katatapos na 2012 Mutya ng Pilipinas ay very visible ngayon dahil sa sunud-sunod na shows kung saan kasama siya.

Tsika nga ni Gina na masyado raw siyang nag-e-enjoy sa Pilipinas, kaya naman daw gusto niyang subukan ang kanyang luck sa showbiz. Kung sa bagay, hindi na naman bago si Gina sa Showbiz dahil sa Canada ay isa itong singer at ilang beses na ring nag-concert kasama ng ilang sikat na Pinoy at Canadian celebrities.

Kaya naman abangan ito sa kanilang mall shows sa Star Mall Las Piñas sa Sept 14; Sept. 22 sa Star Mall Edsa-Shaw kasama ang UPGRADE, DJ Joph, Vrinnel , Dheb at ang Dance Squad Dancers.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Coco Martin, pinataob ang ibang actors sa lakas ng karisma!

  1. talagang si coco martin ang lalaking nora aunor nuong kasikatan ni nora. Pati fan base, katulad ng ke nora na me mga chapters  pa kung saan saang lugar. Mas pa ngaun becoz of the tfc, me US based fan clubs pa. Kagulatgulat, tinalo pa nya mga dating sikat! Ibang klase talaga. Parang nauulit ang hysteria nung time ni nora, this time the male version. Basta right path lang and continued humility,  magtatagal pa kasikatan nya. Si coco ba ang pumalit ke willie revillame sa bakuran ng ABS-CBN? Ano kaya kung me same location event  sina coco and willie, saan kaya mas madaming tao? Me pera kasi ke willie, pero kung wala, no match si willie sa hatak ni coco. Malaking kaibahan ni coco, very down-to-earth and humble ang dating nya, unlike willie na mayabang ang impresyon. Saka parang the who na ngaun si willie, di na dati kasikatan nya. Yung show kasi nya, nakakasawa na din, walang bago, paulit ulit lang mga gimiks doon. ABS-CBN gained a big one ke coco martin. Congrats ABS-CBN.

  2. agree ako!!!!
    iba tlga ang karisma nitong si coco. Iba ang hatak nia sa masa. Mapa teenager hanggang sa mga lola at lolo. Ito ang bagay na hindi nakamit ng ibang mga aktor sa pareho niang henerasyon., ang dumugin at tilian saan man mapunta. Tila hindi nagsasawa ang mga tao sa kanya mula pa noong sya ay isa pa lamang Ramon Lecumberri. 
    Nararamdaman kasi ng tao ang sincerity niya bilang actor at hindi sya tulad ng iba na SNOB at kala mong mga matataas na ang antas sa lipunan, nakatikim lng ng kaunting proyekto sa TV ay akala mong mga superstars na. 
    Kaya masarap tilian si Coco kasi alam ng tao na hindi ito nakakalaki ng ulo nia. Malayo pa ang mararating niya.

  3. Lakas ng Back up mo John Fontanilla siguro Chinutsupa mo yan si Coco Martin ng Apo ni Martin Marfil. Ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha….

Leave a Reply

Your email address will not be published.