Coco Martin, pinalitan ni Sid Lucero sa ‘Abu Sayyaf’ film

SI SID LUCERO pala ang pumalit kay Coco Martin sa isang indie film about Abu Sayaff. Hindi puwede si Coco na mawala ng tatlong linggong straight sa kanyang taping kaya naman inayawan na niya ang project na pagsasama-han sana nila ng kanyang director dati na si Dante Mendoza na nagbigay sa kanya ng ilang best actor awards.

Role sana ng isang rebel leader ang gagampanan ni Coco. Ngayon nga ay napunta na kay Sid ang naturang role at tuwang-tuwa ang binata dahil matagal na pala niyang type makatrabaho si Direk Dante. Hindi nga siya makapaniwala na for the first time ay makakatrabaho na niya ang Cannes best director.

Ang isa pang wish ni Sid na natupad this year ay ang pagkakaroon ng Metro Manila Film Festival entry. Actually, dalawa pa nga ang pelikula ni Sid na kalahok sa MMFF.

HALATANG APEKTADO SI Zsa Zsa Padilla sa kumalat na text brigade na i-boycott ang movie ni Dolphy sa MMFF.

Sabi ni Zsa Zsa sa Twitter, hindi naman ginawa ang ilang eksena sa movie para bastusin ang Simbahang Katoliko.

Tweet ni Zsa Zsa, “Father Jejemon was not made to desecrate the Catholic church. Watch the film before spreading news to boycott our film. I implore you.”

Sabi pa ng singer-actress, hindi planado ang pagpasok niya bilang movie producer.

“Bilang co-producer ni Dolphy, ang trabaho ko ay mag-ayos ng bayarin sa pelikula. Na siyang ginagawa ko hanggang ngayon. Kung matagal mo na sana akong kilala, sa tagal ng pagsasama namin ni Dolphy eh, ngayon lang ako sumali sa RVQ Productions. Dahil kinailangan n’ya ang tulong ko.

“Palagi ko ngang biro na ako ay “producer by default” dahil hindi makapirma ng tseke si Dolphy dahil ilang beses siyang na-hospital at hindi makapirma dahil sa dami ng tubo na nakakabit sa kanya. Napansin ko rin na lalo siyang nagkakasakit

dahil sa “stress” sa production.”

Nagpasya na sina Dolphy at Zsa Zsa na putulin na ang ipinoprotestang eksena para na rin sa ikatatahimik ng i-lang nagrereklamo.

NAKAKALOKA ANG OFF-CAM revelation sa taping ng Paparazzi last Sunday. May nagbuking kasi na nagbibiruan sina DJ Mo at IC Mendoza. Minsan daw ay nilagyan ng kulangot ni DJ Mo ang kapeng iniinom ni IC. One time naman, dinukot ni IC ang kanyang puwet at hinawakan niya ang mukha ni DJ Mo. Kakalokang magbiruan ang dalawa, ‘di ba?

At ang mas nakakaloka, cool na cool lang si Dolly Ann Carvajal nang marinig niya ang mga kuwentong iyon. Talagang poker face lang siya.

Anyway, ang maganda sa Paparazzi, nagagawa nilang substantial ang kanilang mga showbiz stories. At walang takot ang kanilang mga opinion.

Guest si Jasmine Curtis noong mag-guest kami sa Presscon Express at nalaman naming crush pala niya si Jericho Rosales, Gutierrez brothers at Oyo Boy Sotto.

Sabi ni Jasmine, nakita niya kung paano mag-alaga si Oyo sa kanyang ate kaya naman naging crush niya ito.

Maganda si Jasmine kaya naman malaki ang potential niyang sumikat. Ang maganda pa sa kanya, magaling siyang sumagot sa mga tanong at na-impress ang press people sa kanya. She’s very articulate just like her sister Anne.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

3 thoughts on “Coco Martin, pinalitan ni Sid Lucero sa ‘Abu Sayyaf’ film

  1. ok,,,wow,,crush din pala,,ni jasmine,,,si OYO SOTTO,,na magiging hubby ni KRISTIN HEMOSA,,,lahat ng nakapareha ni tin,,maging si JERICHO ROSALES,,mukhang pareho ang taste ni jasmine kay tin,,heheh,,,well,,bata kapa,,crush is ok,,,ok,,heheh,,,wag kang pasira sa showbiz just of gusy o lovelife,gaya ni anne,,,,sana po sa parazzi,,more pics ng kasalang ROXANE GUINOO AT ELTON YAP,,KRISTIN HERMOSA AT OYO SOTTO,,pls..

  2. welll,…madami ng indie film si COCO ,,kakasawa na ito,iba naman,,kahit nga si sid,,kakasawa na sa indie film,,,,sana man naipapalabas ang mga indie films na dekalidad na yan as commercial din,,,i guess,,si JOSEPH BITANGCOL,,,o si JAKE ROXAS ang ipapalit sa role na nabakante ni coco,,,,iba naman,,nagama na yata sila diba,,….

Leave a Reply

Your email address will not be published.