Coco Martin, pinaiyak ang mentor na director?!

BANTAY-SARADO NI MATTEO Guidicelli si Maja Salvador. Nang mag-taping ang bida ng Thelma ng kanyang guesting sa Gandang Gabi Vice kamakailan ay naroroon si Matteo at matiyagang naghihintay. Hindi raw talaga umalis si Matteo

hangga’t hindi natatapos ang appearance ni Maja sa show ni Vice Ganda.

So, kapag sinasabi ni Matteo na special friends lang sila ay hindi kami naniniwala. Magdyowa na sila, ‘no!

 

SI JULIA MONTES pala at hindi si Maja Salvador ang pinopormahan ni Coco Martin. ‘Yan ang usap-usapan ngayon sa ABS-CBN compound. Madalas nga raw mag-communicate ang dalawa through cellphone. At kinikilig-kilig naman ang Mara Clara star.

Ang haba naman ng buhok ni Julia. Alam namin kasi na marami ang nagkaka-crush ngayon kay Coco at isa na sa very vocal sa pagpapahayag ng kanyang paghanga ay itong si Angeline Quinto.

Hinayang na hinayang pala si Coco na hindi niya nagawa ang Abu Sayaff movie with his mentor Brillante Mendoza. Hindi kasi siya pinayagan ng kanyang network dahil hindi puwedeng mawala siya ng three weeks.

Totoo bang iniyakan ni Direk Brillante ang hindi pagkakasali ni Coco sa kanyang ambitious project?

 

WALANG KAGATUL-GATOL NA sinabi ni Vice Ganda na kung meron mang celebrity na gusto siyang matikman at handa siyang magbayad nang malaki matikman lang niya ito, ito ay walang iba kundi si Derek Ramsay, isa sa leading men niya sa Private Benjamin.

“Kung magpapabayad lang din naman siya, babayaran ko na. Eh, kaya lang, hindi naman magpapabayad ‘yun. Hindi naman tatanggap,” sabi ni Vice sa presscon niya for Globe.

“Pero kung saka-sakali, si Derek Ramsay. Todo na. Sarap nu’n, ‘no!” Walang kagatul-gatol na sabi ng stand-up comedian and host.

Nilinaw ni Vice na wala silang relasyon ni Jon Avila.

“Hindi kami mag-on. We’re like best of friends. Lagi kaming magkasama. Halos lahat ng times na wala akong trabaho,

siya ang kasama ko.”

Kasama nga ni Vice si Jon sa kanyang US tour. Pero nilinaw niyang hindi sila package deal.

“Tandem kami ni Jon at kinikilig ang audience kapag nakikita nila kaming naghaharutan on stage.”

Malalim ang friendship nina Vice at Jon.

“Lovelife niya, lovelife ko, alam namin pareho.”

Inamin ni Vice na nagseselos si Kean Cipriano kay Jon.

“Oo, may mga ganu’n siyang ano. ‘Lagi namang puro Jon lang, eh!’ Tapos si Kris pa, ‘Bakit si Jon lang ang sinasama mo sa tour mo, si Kean, hindi?’”

Sabi naman ni Vice, si Kean ang kasama niya noong unang tour niya.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

16 thoughts on “Coco Martin, pinaiyak ang mentor na director?!

  1. Kasi nga bantay sarado si Maja kay Matteo… binabakuran ika nga kaya ang ating Coco Martin ay hindi makalapit ayan naghanap na ng iba! Hahahah pero di talaga sila bagay eee parang nakakabatang kapatid lang ni Coco si Julia.. Sana magising itong si Maja!!! si Coco na lang kasi >:)))

  2. I agreee! Coco and Maja has a chemistry uber sa bagay! I love the way they act in MLKI and everytime na pinapanood ko sila me and my husband were making landi landi narin because of them! Hahahaha. I Wish sana magkaroon sila ng another teleserye.. magiging hit nanaman un!!

  3. Hindi ata type nila Charo ang Coco-Maja. kasi naman si Coco ipinapareha sa iba while si maja pinipare kay Matteo.. Hindi nila alam marami ang may gusto sa Cocojam.. Hayzzzt just hoping na lang na sana magkaroon sila ng movie/teleserye together.

  4. Ewan ko ba sa management ng Abscbn. Nagpapareha ng mga artistang hindi naman bagay. Oo magaling sina Julia at Coco pagdating sa acting pero hello!!! Hindi sila bagay ambata pa ni julia para ka coco.. Okay na nga yung Loveteam nila Coco at Maja.. ayos na ang click na click na sila.

  5. ok medyo obvious na part ito ng promo para sa upcoming serye ni coco with julia…maniniwala sana ko kung alam ko na wala naman silang pagsasamahang project…well totoo man ito o hindi…hindi nila maitatanggi na mas tanggap ng marami ang ang tambalang coco and maja!!! mas bagay sila!!! masyadong bata c julia for coco, un lang….basta ko cocojam forever!!!

  6. KUNG GUSTO KUMITA NG ABS-CBN BIGYAN NILA NG TELESERYE O MOVIE ANG TAMBALANG COCO AT MAJA.SWAK NA SWAK NA SILA SA ISA’T ISA. ANO NAMAN KUNG MAY MATTEO NA SI MAJA? COCO AT MAJA ANG HINIHINGI NG MASA BAT HINDI MAPAGBIGYAN? PAGING MS. CHARO!!

  7. Obvious naman na wala talagang pwedeng maging relasyon si coco kay maja.  Kilig ang kanilang loveteam pero hanggang loveteam lang yun kaya wake up cocojams.  As for Julia, naku naman parang ang bata bata naman nun para kay coco walag kilig baka ma dswd pa yan ha ha ha.  I admire Coco pero sana naman wag si Julia di sila bagay kasi may gatas pa sa labi yun masyado naman yatang minamadaling i love team sa kanya, turn off!

  8. siguro kung andon man si matteo eee malamang binabakuran niya lang si Maja ..divahhhh Lol. 
    friends land sila yun ang navavibes ko =)))

  9. nakakaloka naman .. baka sa movie na itetch ee magkapatid si Coco at Julia! Kasi kung maglovebirds sila hahaha ewan ko lang kung papatok to.. si Maja na lang kasi mga indayyy. supper bagay sila!
    Kung ano mang meron sila ni Matteo ee wag na lang pansinin.. 

  10. wat a stupid idea puro promo lng yan eh hlos kcng age ng kpitd ni coco c julia..hazzzzzzzztlg nman ang abs pssikatin tlg c julia s mga ganyan klaseng promo….ito nman kc c maja kaubod n denial special lng dw cl n matteo eh halos d n cl naghihiwalay……cnungalin 2 c maja…..

  11. halatang binubuwag na ang tambalan nila Coco at Maja.. Nakakaazar lang kasi umiingay na yung tambalan nila meaning malakas na ang fanbase nila tas sisirain na lang basta basta???
    hay Abscbn sinasayang nyo ang oppurtunity na kumita kayo using the coco-maja tandem.!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.