Coco Martin, nananakit ng babae?!

BLIND ITEM: SIGURO, we can safely say na this female personality is really a survivor.

Aba, kung nalagpasan niya ang brutality at sakit ng mga pananalita sa kanya ng aktor na si Coco Martin nu’ng sila pa ang mag-on e, naiiba nga talaga siya.

Naging mag-on kasi sila ng Kapamilya actor after ng controversial relationship nito kay Katherine Luna and in fairness, nagtagal naman daw ng almost one year ang kanilang on and off relationship.

Kaya lang, kung nakamamatay nga lang daw ang mga salita e, matagal na raw sigurong pinaglamayan ang bidang female personality na isa ring modelo dahil sa mga mura at masasakit na salitang pinakawalan noon ni Coco against her.

Sabi pa, mahilig daw manumbat at magmura ang aktor kahit na nagmula lang sa maliit ang mga problema. Nakatikim din daw siya ng sampal sa aktor nu’ng minsang na-late siya sa kanilang usapan sa Tagaytay.

Sino ang mystery girl na ito na regular na lumalabas sa Kapuso station? A, basta. Isa siyang survivor…  getz?!

GUSTO NAMING SALUDUHAN ang talent manager na si Tita Becky Aguila for giving her talents the freedom without literally grabbing their necks at maging sunud-sunuran sa kagustuhan nila.

Naalala tuloy namin ang equally respectable manager, ang nasirang Douglas Quijano, na binibigyan din ng kalayaan ang kanyang mga talents at never mong naringgan ng bitterness kapag nawala na sa kanyang kuwadra.

We all know na wala na sa wings ni Tita Becky si Angel Locsin, who is now under the management of Tita Ethel Ramos pero kahit na anong kulit ng mga kapatid sa panulat e, never na nagsalita ng masama si Tita Becky against her former ward.

Ayun, dahil sa respect na ibinibigay sa kanyang mga alaga e, naging tahimik ang lahat at hindi na nagkaroon ng isyu or any word war for that matter against both sides.

Anyway, she still has Valerie Concepcion and Jennylyn Mercado, two of the most visible TV stars today na nananatiling loyal sa kanya.

Honestly, we are not really that close with Tita Becky pero marami kaming naririnig na good deeds sa naturang manager, the reason siguro kung bakit hanggang ngayon,e, nananatili pa rin siyang nakatayo and still busy sa gitna ng higpit ng kUmpetisyon ng mga seasoned talent managers dito sa industriya.

Siguro nga, maraming mga talent managers sa Dos and Siyete ang masasagasaan dito, na walang ginawa kundi ang diktahan ang kanilang mga talents sa dapat gawin at dapat sabihin kapag ini-interview ng mga reporters kahit na nagiging trying hard na ang lahat. Yes, kahit na itanong niyo pa kina Aljur Abrenica and Kris Bernal, pwamis!

PARA SA MGA die-hard fans ni Gabby Concepcion, mamayang gabi na ang concert ng aktor sa Music Museum dubbed as “Gabby ng K Ganda”, kasama ang mga guests na sina K Brosas and Vice Ganda. Ang sabi sa amin, a few days ago pa lang daw ang nakakaraan,e, malapit nang ma-sold out ang tickets pero puwede pa rin daw humabol ‘yung iba sa ticketworld outlets at sa Music Museum or you may call 425-7077.

For the record, hindi po kami PRO o na-invite sa press conference ng naturang concert but we are doing a favor for our good friend Mr. David Ty, who is also part of the production. Good luck!!!

Teka, ngayong nakapag-guest na si Gabby sa show ng kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta, is it possible na si Mega naman ang bumisita sa show ni Gabo? Sabi nga, walang imposible kaya abangan na lang natin, hane?

For reactions, please e-mail: [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleKakulitan ng Gigger Boys, niresbakan!
Next articleCharice, patuloy na binabagyo ng suwerte!

No posts to display