Coco Martin, nakuha na ang trono ni Piolo Pascual?!

PINALITAN NA ba si Piolo Pascual bilang favorite ng Kapamilya Network?

Last Saturday, nang kumain kami sa restaurant na kilala sa kanilang spring fried chicken, hindi na si Piolo ang endorser ng resto kundi ang hottest male actor ng taon na walang iba kundi si Coco Martin.

Mula kasi nang manahimik si Piolo sa hiwalayan nila ni KC Concepcion at may mga pagtatangkang rebelasyon diumano mula kay Megastar Sharon Cuneta tungkol sa mga nangyari sa relasyon ng kanyang dalaga at kay Papa Piolo, lalong tumahimik ang kampo ng aktor.

Sabi, nakaapekto diumano ng hiwalayan ang karir ng aktor na ang dating mga endorsement niya ay na-ngawala at napunta na sa iba.

At isa na ngang example ay itong restaurant na imbes siya ang endorser (for so many years) ay biglang napunta kay Coco.

Balita namin, may hinampo si Piolo sa Star Magic dahil hindi nila ipinaglaban ang kanilang prime artist sa kliyente.

Sa ngayon, si Coco bilang hottest property ng Kapamilya Network ay alagang-alaga ng istasyon. Sa katunayan, itong buwan ng Enero, makikipagsabayan siya kina Bong Revilla (in Indio) at Derek Ramsay (in Kidlat) sa primetime, habang siya naman si Juan dela Cruz.

ANG TARAY ng review ng isang J.I.E. Teodoro sa pelikulang Sisterakas nina Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino at Vice Ganda na inilabas ng GMA News Online noong huling araw ng 2012 na ngayon lang napag-uusapan sa social media.

Sa pagkasulat ng reviewer, biggest disgrace daw si Kris sa pelikula. Mabuti na lang, ayon sa kanya, ay saving grace ang type ng komedya ni Ai-Ai na napapatawa ang manonood.

Nagtataka lang ako sa reviewer kung bakit sineryosoniya ang Sisterakas at naghanap siya ng katinuan gayong ang main aim ng pelikula ay mapatawa ang publiko.

Nagtataka rin ako kung bakit hindi niya matanggap na ang pelikula ay bread-trip  at hindi nag-ilusyon na magpaka-art film at humakot ng papuri.

Parang hindi fair kay Kris na pati sa puntong political ay ginawang anggulo ni Teodoro gayong si Kris na showbiz celebrity ang siyang isa sa mga bida ng obra ni Wenn Deramas ay nagbida sa pelikula na tinangkilik ng publiko at top-grosser sa 2012 MMFF ay hindi naman ipangalandakan na siya’y kapatid ni P-Noy at anak siya ni Cory at Ninoy.

By the way, si Teodoro ay isang assistant professor sa English and Filipino department ng Miriam College.

Engot na ewan naman itong si Teodoro na naghahanap ng katinuan sa isang pelikula na ang pakay ay patawanin at pasayahin ang manonood. Seryosohin ba ang isang pelikulang laugh trip na walang pretensyon? Sa simula pa lang, malinaw na ang objective ng Star Cinema at maging nina Kris, Ai-Ai at Vice na pasasayahin nila ang publiko sa Kapaskuhan. Sa mahal ng sine tuwing filmfest (P201) du’n ka na sa trip mo na magsaya.

Kung hindi ba naman eng-eng at naghanap si Titser Teodoro ng katinuan gayong makaaliw ang pakay ng pelikula na sasabayan mo ang tawanan ng manonood. I wonder kung kaninong pakana ang bagay na ito?

 

SA TOTOO lang, iba’t ibang bersyon ang naglalabasan kung bakit ayaw nang mag-artista ni Sarah Lahbati (girlfriend ni Richard Gutierrez at isa sa mga bidang babae sa pelikulang The Seduction).

Maraming bersyon. Maging si Tita Annabelle Rama, hindi masundan noong una ang isyu sa palitan ng salita ng kampo ni Sarah at ng GMA sa Twitter.

Say ng kampo ni Sarah, napaka-unprofessional diumano ng production ng Indio para paghintayin siya mula umaga hanggang madaling-araw (past 3 in the morning na yata ‘yun) para kunan ang kanyang eksena gayong puwede naman siya maging on call at maghintay ng tawag bago kunan ang eksena niya.

Sabi naman ng isang taga-Kapuso Network tungkol sa biglaang pag-quit ni Sarah sa showbiz at ang alibi ay mag-aaral na lang daw siya: “Bukod sa delay ng taping ng eksena niya, hindi na type ng mga taga-Network ang mother niya na super mahadera. Feeling ng nanay niya star na star na ang anak niya.”

Kung saan hahantong ang isyung ito, mukhang hindi na maka-rescue ang future “mother in law” ni Sarah (si Tita Annabelle siyempre) dahil busy si Bisaya sa Cebu para sa kanyang planong pagtakbo sa pulitika sa Mayo.

“Ipagtulos ko na lang siya ng kandila sa Sto. Niño para maayos na ang lahat. Kasi lagi ako sinisisi kapag pumapasok ako sa eksena na ako na naman ang dahilan. Kaya behave na muna ako,” tweet niya sa kanyang account.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

21 thoughts on “Coco Martin, nakuha na ang trono ni Piolo Pascual?!

  1. panapanahon lang naman yan, dumaan din sa sobrang hirap si coco bago nya nakuha ang kasikatan nya, sobrang hirap talaga kumpara sa iba. Pinalad sya na mapansin at sugalan ng malaking company, dahil na rin sa nakitang talento nya. Wala na lang kumparahan kasi at matuwa sa nakamit na tagumpay, wag mainggit :)

  2. papansin lang ang baklang si J.I.E. Teodoro wala kasing lalaking mahada. sino ba naman ang papatol sa kanya eh pagkapanget panget niya?

  3. gusto ko kay coco kaso nga lang nadismaya ako sa kanya nang di niya binigyan nang sustento si kathryn luna sa anak nila dapat lumingon siya at tanggapin ang bata bilang tatay siya nito hahangaan ko siya kung gagawin niya ang gusto nang fans di lang ngiti at mukha at di papatol sa bakla nang taga ABS-CBN kaya sumikat siya nakakahiya kung ipagbibili mo ang katawan mo sa management nang taga -DOS para matupad mo ang gusto mong sumikat magpapatikim sa bakla magiging bakla na din si coco martin kung papatulan niya ito.

    • ehehe. yan tlga ang kalakaran sa showbiz ateng. Kung totoo mang pumasok nga si coco sa ganoong paraan hindi na bago yun. Pinagdaanan din ng ibang mga aktor at aktres yun para magtagal sila! Swerte pa nga si Coco kasi tumagal sya ang iba echapwera na! … 

      Magaling din kasi ang manager nia, knowing that Coco and Rico Yan have same manager di na nakapagtataka dahil dati ay halos nasa peak din ng kareer etong si Rico Yan before he past away. Saka wala yan sa kung paanong paraan mo nakuha ang kasikatan mo, ipinagbili mo man ang katawan mo or hindi, ang importante ay kung paano mo alagaan at pahalagahan. Knowing Coco, even before he got into mainstream eh may mga titulo at akting awards nanaman syang pinanghahawakan. Wala naman syang inapakang mga tao o inagrabyado if ever na nagpatikim man sya sa bakla! 

      ~What’s not right is being judgemental. Its a disease sa community. When a mother dont have anything to feed her dying baby and she got into prostitute to save the life of her baby then its not a crime its a saving act. Keep an open mind.

  4. in fairness k piolo narating na nman nya ang rurok ng tagumpay o peak of his career so ders no way but down or maintain nlang….pero i think na marami pang kakaining bigas  c coco bago marating ang 12 years na kasikatan na natamo ni piolo inspite ofda many intrigues hurled at him atdilang basta2 mga intriga kundi malicious at mga matitindi tlaga nkung hndi lngnya alam hinandle e matagal nazang ng quit sa showbis… chaka singer/actor za e kya dilang acting awards ang meron za kundi many not only platinum albums kundi double, triple even quadruple platinum albums nadi maaachieve ng ibang actors of his genration or older n younger generations….

  5. YAHAHAHA SIYEMPRE NAMAN, SIYA NA YATA ANG PRIMETIME KING DAW, SABI NI ALFIE LORENZO, WAHAHAHA, AT HIGIT SA LAHAT, MALAKAS KAPIT NIYA NGAYON, WAHAHAHA MAY GAY BENEFACTOR BA NAMAN NA ISANG T.V, EXECUTIVE NG NETWORK NIYA,,,HAHAHA..SAAN KA PA…

    •  choco manyak anong masama kung my kapit sya na bakla sa dos.. ang masama kung sayo sya kakapit hahaha mamatay sya sa gutom hahaha .. .. saka hindi crime ang papatol sa bading and its not only coco is doing that kung true marami dyan .. yan na ang kalakaran sa shobiz.. di lang lalaki pati babae .. kasama dyan si marian gurang . … choco manyak mas nakakadiri ang paninira mo sa kapwa .. pwede kang makulong bakla ka ….. mas kadiri ka nabuhay ka sa paninira at pang insulto … kahit barya lang sahod mo  40% din ba kaltas sayo choco frog? saka bakla ka manyak 

    • hoy chocoleit gil, baklush! binabaeng pipitchugen! bitter ka kasi hindi sayo kumapet…hehehe. Shokla n nga, swanget pa, poor pa! What do you expect ? hehehehe

  6. natalbugan na tlga ni COCO martin ang mga kasabayan nya dating mga actor leading men at malayo na ang narating nya. SImula noong Tayong Dalawa pa! kontrabida lang sya duon nina Gerald at Jake! Ngayon ka-level na nya sina JL at Piolo patunay ay noong Xmas special ng ABS. Kitang kita din kung sino ang mas tinilian sakanila. Pang masa kasi tlga si coco. Meron akong kakilala na nakita sya in person, wala daw tlgang ka -ERE ere ang lalaking ito at ska mata pa lang nya ay puhunan na, mata pa lang daw umaakting na!.

    • Its true isa isa sila lumas mga leading man,una si ljc tili tapos si coco lakas n tili pag dating ke piol wala tili

  7. c coco kc kht wlng kaloveteam mlkas prin hatak nya.d n ny kailngan png mgpahunk pra lng mpnsin cia.sk d cia myabang,simple lng.at lalaking lalaki

Leave a Reply

Your email address will not be published.