Coco Martin, nagkaroon ng double celebration

Coco-MartinIT’S A big double celebration for Coco Martin na nagdiwang ng kanyang ika-33rd birthday at 10th anniversary sa showbiz.

Coco admitted na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa success na kanyang tinatamasa. Napansin ang angking husay sa pagganap ni Coco kaya naman naging sunud-sunod ang mga magagandang offers sa kanya. He is now one of the hottest male stars. Mapa-primetime series man o pelikula ay in-demand siya bilang leading man.

Kuwento niya, “Sobrang saya kasi ang dami ko talagang pinagdaanan. Dati, nasubukan ko pang mamigay ng candies sa gasoline station. Namimigay ako ng flyer sa mall hanggang sa pumasok na ako sa mundo ng indie and then pumasok na ako sa TV. Nakakatuwa [dahil] binigyan nila ako ng space para maipakita ko iyong talent ko.”

According to Coco, hindi niya talaga plinano na magkaroon ng isang engrandeng selebrasyon but his manager made him realize the importance of the event.

“Ayoko eh. Sinabi niya lang sa akin [na] ito iyong time para makapagpasalamat ka sa lahat ng mga taong tumulong sa iyo.’ That’s it. Sabi ko, ‘sige na nga.’”

Ilan sa mga special guests ay sina ABS-CBN President, CEO and COO Ms. Charo Santos-Concio, ABS-CBN Broadcast Head Cory Vidanes, ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi, Business Unit Heads Deo Edrinal, Ruel S. Bayani at Lui Andrada. Nakisaya rin sa espesyal na okasyon sina Direk Chito Roño, John Estrada, Ronaldo Valdez, Albert Martinez, Amy Austria, Eddie Garcia, Vice Ganda, Julia Montes, KC Concepcion, at Paulo Avelino.

Malayo na nga ang nilakbay ng career ni Coco pero nananatili pa ring nakatuntong sa lupa ang kanyang mga paa.He welcomes the chance to be an inspiration to other people and to be able to reach out to them. Mabait si Coco sa kanyang pamilya kaya naman patuloy ang pagdating ng mga blessings sa kanya.

Happy Birthday, Coco!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Coco Martin, nagkaroon ng double celebration

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.