Coco Martin, naghahari sa telebisyon!

PANAHON TALAGA ng kasikatan ngayon ni Coco Martin. Hindi na iyan dapat pang pagtalunan, dahil kung saan man nakarating ngayon ang magaling na actor, pinagsikapan niya iyon. Kahit marami noon ang nagdududa sa kanyang pagkatao kung put-on lang ba ang kabaitan na nakikita sa kanya ng publiko, lalo na nu’ng lumantad ang isang dating sexy star na naanakan niya at nagpainterbyu ng tungkol sa mga kasiraan ni Coco, hindi nanghina ang loob ng aktor para patunayan ang kanyang sarili, dahil gusto talaga niyang magkaroon ng lugar dito sa showbiz.

Naghahari talaga ngayon si Coco sa telebisyon, dahil nangunguna sa rating ang teleseryeng Walang Hanggan. Puro papuri ngayon ang kanyang tinatanggap na mga salita, dahil halata naman talaga na isa siya sa masugid na sinusubaybayan ng mga manonood sa nasabing serye. Kaya nga ang pamunuan ng Dos ay pinagsisikapan na laging mabigyan si Coco ng magandang teleserye na babagay sa kanya ang role na gagampanan. Paborito kasi talaga siya ngayon ng masa.

Dinudumog talaga ngayon ng mga tao si Coco. Maging ang mga datihan at mga baguhang artista sa showbiz, gustong maranasan na makasama siya sa proyekto. Ang maganda lang sa ugali ni Coco, hindi pumapasok sa kanyang ulo ang kasikatan. ‘Di kasi nga, nasaksihan din naman namin dati, mga tatlong taon na ang nakalilipas, nagbibida pa lang siya noon sa mga indie films ay napadaan kami sa Robinson’s Galleria kung saan siya may autograph signing sa kanyang fans.  Nakalulungkot, dahil iilang bading lang ang naroon na nagpapapirma sa kanya. Kasi nga, hindi pa siya sikat noon. Pero ngayon, hindi na siya puwedeng maglakad mag-isa sa mall o magsimba, dahil pinagkakaguluhan siya.

 

BUKOD SA kanyang trabaho bilang artista, endorser at magaling na TV host ay talagang nakatutok ang panahon ngayon ni Kris Aquino sa pagpapalaki ng kanyang mga anak na sina Joshua at Baby James. Ramdam na ramdam na kasi niya na ilang taon na lang ang bibilangin ay baka magulat na lang siya, dahil binata nang pareho ang dalawang bagets. Hindi naman itinatago ni Tetay ang sitwasyon ni Josh. Pero si Bimby, ikinagugulat niya ang mabilis nitong paglaki.

Ingat na ingat si Kris sa mga panahong ito, dahil lumalaki talagang matalino si Bimby at sobrang matanong na, kaya lagi naman siyang naroon para magbigay ng paliwanag sa kanyang anak kapag mayroon siyang mga tanong na kailangan niyang sagutin. Ipinagsasaya na lang ni Kris ang sitwasyon ngayon na kahit hiwalay silang dalawa ni James Yap, naipararamdam pa rin nila kay Bimby na mayroon siyang kumpletong mga magulang.

Hindi na masyadong nagkakaiwasan ngayon ang dating mag-asawa. Sa katunayan, kamakailan ay nagkaroon ng pictorial si Bimby para sa isang commercial, at nagkasabay pang magbantay sina Kris at James sa nasabing pictorial, kaya tuwang-tuwa naman si Baby James. Cool na sina James at Tetay kapag nagkikita sila, lalo pa’t malaki na nga ang ipinagbago ng magaling na TV host. At mapapansin nga ang kanyang pagbabago, dahil sa kanyang programang Kris TV ng ABS-CBN, hindi na talaga siya masyadong taklesa at pakialamera.

ChorBA!
by Melchor Bautista

10 thoughts on “Coco Martin, naghahari sa telebisyon!

  1. COCO NAG HAHARI SA TELEVISION HAHAHAHA MELCHOR MAG KANO NAMAN BAYAD SA IYO IKAW LANG NAGSASABI NIYAN SORRY NEGATIVE REPORT MO WALANG KATOTOHANAN MECHOR ano ba family name mo, BAUTISTA SHARE MO NAMAN AKO NG PAYOLA OBVIOUS NAKU PAG GANYAN COMENTO SOMETHING SOMETHING UNDER THE TABLET HAHAHAHAHAHAHAHA SABI NGA GOOD COMMENT WITH GOOD PAYOLA WAPAK

    • totoo nmn n xa ang hottest s tv ngaun ah..lht ng teleserye ny lging number one sk kht cnong kprtner ny ptok s masa..d tulad ng mga idol nyo n laos at lging kumakapit s mga sikat pra lng mpg usapan,db gerald anderson?

  2. ANG KAKAPAL NG FEZ NA NAGSASABING PANGET SI COCO…. AT LEAST SIKAT NA SIKAT SIYA NGAYON DI TULAD NG IBA NYONG IDOL MGA LAOS NA HAHAHAHAH!

  3. yung nagsasabing pangit si coco martin, sigurado akong kapusucks ang mga yan…hehehe!

  4. sana lang hanggang maaga ay disiplinahin ni kris si bimby niya dahil masyadong spoiled brat eh kabata-bata pa. Dapat ipakita ni kris sa televiewers niya na sinasaway niya ang bata pag lumalabas ang pagkasutil. Kita ko kasi tinatawanan lang ni kris pag nagiging sutil ang anak niya sa tv.

    • lowww pinoy n pinoy ang looks ni coco.nsasabi lng n gwapo ang mga ibang artistang lalaki ngaun kc mga tisoy at my lhing foreigner.c coco purong pinoy,…xa tlg ang pinakasikat n artistang lalaki ngaun khit wl xang kaloveteam at least pinaghirapan ny kung anuman meron xa,d tulad ng iba n nkikisakay lng s popularity pra sumikat,.khit cnong ipartner ky coco,sinusubaybayab xa.

    • naku kung pangit c coco para sa yo….may mukha ka pa ba???? nakakatakot ka cguro no??? monster…bwahahaha