Coco Martin, nagbibigay pag-asa sa mga gustong magbalik-showbiz via FPJ’s Ang Probinsyano

Coco Martin

BILIB AKO personally kay Coco Martin kung papaano niya pinapahalagan ang mga kapwa niya artista.

Ang dami nang naitulong ang actor mula nang umere ang kanyang serye na FPJ’s Ang Probinsyano. Ang daming mga artista (noon at ngayon) ang nabibigyan niya ng chance para mapasali sa top rating aksyonserye niya sa Kapamilya Network.

Ang mga dating mga artista na nawala na dahil hindi na sila uso at nakalimutan na ay muling nakabalik sa showbiz dahil sa Ang Probinsiyano at ang ilan sa kanila at nabuhay muli ang acting at showbiz career dahil sa nightly show ng actor.

Sa katunayan, dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang ilang “has been” na ay muling nagkakarir kahit sa pagbabalik nila sa showbiz via Coco’s show ay nakapag-connect muli sila para maging aktibo muli sa kanilang careers kahit wala na siya sa show.

Sa kaso ng dating komedyante na si Whitney Tyson na muling nasilayan ng publiko via a special feature sa magazine show na Rated K, napansin ng production team ng FPJ’s Ang Probinsyano (at sa kagustuhan na rin ng actor na makatulong sa kapwa niya artista na gusto muli magkatrabaho) ay kasama na ang komedyante sa new batch or actors na ipapakilala sa show.

Wish granted ni Coco sa pangarap ni Whitney na makabalik showbiz at makaarte muli.

Sa aksyonserye, si Whitney will play the role of Elizabeth kung saan kabilang sa mga new characters sa serye ay kabilang sina Joross Gamboa, Isabella Vinzon, Mel Feliciano, Nonong Balliman, Donna Cariaga, Ghersie Fantastico, ‘Gigil Kid’ Carlo Mendoza and Pilipinas Got Talent finalist Joven Olvido.

Sa gawang ito ni Coco at ng Dreamscape, thumbs-up ako sa actor na very helpful at sa produksyon sa pamumuno ni Mr. Deo Edrinal.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “Coco Martin, nagbibigay pag-asa sa mga gustong magbalik-showbiz via FPJ’s Ang Probinsyano

  1. God bless u idol. sa mga tinulungan. mung walang trabaho na artista. para makapagtrabaho cla. sa teleserye at pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.