Coco Martin, nabaliw na rin sa pag-ibig!


NAGSIMULA NANG
ipalabas ang pinakabagong primetime teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan. Sinabi noon ni Coco Martin sa isang interview na excited siya sa kanyang new series. At bakit nga naman hindi eh, pawang mga de-kalibreng artista ang kanyang kasama rito tulad nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Ms. Susan Roces, and Ms. Helen Gamboa. Julia Montes plays his love interest in the teleserye. Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon and Paulo Avelino are also part of the show.

Iba raw ang Walang Hanggan sa mga nauna niyang projects. “Kasi iyong mga last na soaps ko medyo kontrabida, barilan, heavy drama. This time, susubukan ko namang magpa-in-love,” he said.

Ironically, kinikilig ang mga fans kay Coco whenever they see him onscreen kahit ang kanyang mga roles na ginampanan sa mga nauna niyang teleserye ay isang sindikato, rebeldeng anak, lalaking may kakayahan at katangian ng isang bayawak, at kambal na may magkaibang ideolohiya.

Kaya naman bilang paghahanda sa kanyang bagong role ay nanood daw siya ng mga love story movies tulad ng Titanic, Hihintayin Kita sa Langit, mga Tagalog movies, at Romeo and Juliet para may paghugutan siya ng emosyon sa mga eksena.

Gabi-gabi tayong pinaKIkilig nina Coco at Julia na unang nagkasama sa Ligaw na Bulaklak noong 2008. In Walang Hanggan, Julia portrays a mature role that requires her to have romantic scenes with Coco.

Malayo na talaga ang nilakbay ng career ni Coco. He first caught the public’s attention in several indie films gaya ng Masahista, Tambolista, Nars, Jay, Serbis, Daybreak, Condo, at Kinatay. He is dubbed as the Prince of Philippine Independent Films. Napansin ang angking husay sa pagganap ni Coco kaya naman naging sunud-sunod ang mga magagandang offers sa kanya. He previously starred in the teleseryes Ligaw na Bulaklak, Tayong Dalawa, Nagsimula sa Puso, Kung Tayo’y Magkakalayo, IDOL, Agimat Presents: Tonyong Bayawak, at Minsan Lang Kita Iibigin. Nagkaroon din siya ng mga mainstream movies gaya ng Sa ‘Yo Lamang at Noy. He is set to do a movie with Judy Ann Santos and another one na pagsasamahan naman nila ni Angeline Quinto.

Tinanong ko siya sa The Buzz kung ano ba sa tingin niya ang kanyang sikreto para mahalin siya ng masa? “Pinapakita ko kasi kung ano ako, iyong pagiging sincere ko sa tao, sa mga katrabaho ko. Sa pag-arte, lumalabas iyon. Ayokong mag-pretend, kung ‘di ako magustuhan, kung tingin man sa akin jologs, kung makita ka na maayos ka, malinis ka, maayos kang makitungo, kumbaga napapamahal ka sa kanila,” he said.

Muling pinapa-ibig ni Coco ang publiko with his role on Walang Hanggan. Sa totoong buhay, kailan ba siya huling nabaliw sa pag-ibig? “Matagal na,” maikli niyang sagot. Ano naman ang pinakagusto niya kapag nagmamahal? “Nagbibigay sa iyo ng inspirasyon sa araw-araw na pamumuhay mo, sa trabaho mo.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

18 thoughts on “Coco Martin, nabaliw na rin sa pag-ibig!

  1. alam muh nag_iisa kah lhang sa puso kuh sana wag kah munang mag asawa intayin muh koh…..mag aartista akuh ei;;;;;;;;;;love you so much

  2. ang bading ung mga inggit dyan wahhahahah!!!! we love you coco martin…npkagaling mong aktor…super idol ka nmin d2 smin ikaw ang no. 1..

  3. inggit lng kayo kay coco dhil malayo n ang narating nya. ingat idol…. khit anong mga nega bnbato sayo hndi pr in mgbbgo ang pgmamahal s idol nmin. ingat idol… wg u n pansinin ang mga inggit sayo.

  4. TAMA, MENTALLY CHALLENGED TALAGA SI COCO LOCO. DI BA NGA AYAW DAW KUNO MAG TWITTER PERO ANG TOTOO EH HIRAP MAG SPELL AT CONSTRUCT NG SENTENCES………KAYA ANG GINAWA EH NAG TETRIS NA LANG……….HAHAHAHAHAHAHAHA

  5. wala ka namang galit sa kapamilya ate hugo noh? hahahaha! ok lang ate pero wag mo araw arawin pero si coco ha, bading yan. andami nang nakarelasyong bading. andami nang natsismis dyan eh at halata sa tabas ng mukha na bading pero kahit bading super successful naman! hahahaha! go go go coco! hahaha!

  6. Pingback: Coco Martin, nabaliw na rin sa pag-ibig! | Celebrity Philippines

  7. It is already a public knowledge that most of Kapamilya stars and staff are mentally challenged or suffering in mental inbalance as shown by Baron, John Llloyd Cruz being alcoholic and his preference to kinky ie locked up with Shaina, Deo E, Tyronne, etc etc etc. It would not be suprising if Coco is also out of his mind. It is a FACT that Coco is NOT an ideal father to his child with Katherine Luna. No father child bonding, no whatever. It is a big SHAME. Kapamilya star Coco having NO time for his pamilya with Katherine. Shame Shame shame!

Leave a Reply

Your email address will not be published.