Coco Martin, may pakiusap kay Baron Geisler sa ‘Ang Probinsyano’

Coco Martin and Baron Geisler

MAGANDA ang naging pagtanggap ng televiewers sa karakter ni Baron Geisler bilang Dante, bagong kontrabida ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Masaya rin siya na kinausap siya ni Coco para sa naturang role.

 “Ang sabi ni Coco, ‘Bro, tutulungan kita, pero tulungan mo rin ang sarili mo. Ang hinihingi ko lang sa ‘yo, makisama ka lang, maging professional ka lang. Maraming shows ang ABS-CBN, hindi ka mawawala,’” kuwento ni Baron.

Sagot naman daw niya kay Coco, “Sabi ko, ‘Salamat Bro.”

Ayon pa sa magaling na actor, wala siyang ginagamit na sasakyan papuntang taping dahil ibinenta na niya ang Fortuner para pandagdag puhunan sa barber shop business niya sa Cebu.

“Ang bait ng ABS-CBN kasi sinusundo at hinahatid nila ako kapag may taping. Hindi na ako nagko-commute.

“Pakiramdam ko, I’m starting from humble beginning, from scratch talaga, parang back to basic,” he said.

Ayaw namang mangako ng aktor about his behavior sa FPJAP.

 “Ayokong mangako, I’m enjoying my job. I feel comfortable under my skin, na-forgive ko na ang sarili ko, wala akong problema kahit kanino.

“Ang hirap pag nangangako, nauunsiyami. Dapat gawin na lang.  So far, wala namang negative. Everyday may meditation ako. Sickness na kasi yung pagiging alcoholic ko, eh,” katwiran ni Baron.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.