Coco Martin, masaya at nalungkot sa pagtatapos ng serye

MALAPIT NANG mag- tapos ang Walang Hanggan at ayon kay Coco Martin, masayang malungkot ang kanyang nararamdaman.

“Masaya kasi siyempre sulit ‘yung pinaghirapan namin dahil na-appreciate siya ng mga tao. Tapos ‘di ba, na-extend siya? Kasi bawat soap namin, walang kasiguraduhan kung magiging successful ba, kung magre-rate o magugustuhan ng mga tao?

“And malungkot, kasi para sa akin, nagkaroon kasi kami ng bonding, eh, ‘yung mga kasama kong artista, sina Tita Helen (Gamboa), Tita Susan (Roces), parang mga lola ko na talaga. Sina Kuya Goma (Richard Gomez) saka si Miss Dawn (Zulueta), naging kaibigan ko. Naging magkakaibigan kami nina Paulo (Avelino), Joem (Bascon), Melissa (Risks), nagkaroon talaga ng bonding.

“‘Di ba ‘yung ibang soap, kadalasan mga four months lang ang itinatagal? Eh, ito almost eleven months, nagkaroon kami  talaga ng parang family rito sa soap,” say ni Coco.

Pagkatapos ng Walang Hanggan, inaayos na raw ang susunod na teleserye ni Coco pero in the meantime ay tatapusin muna niya ang mga na-kabimbin na pelikula.

May gagawin silang pelikula ni Julia Montes na ‘di pa raw siya sure kung under Star Cinema, dahil binubuo pa raw ang konsepto at pinag-uusapan pa.

Binubuo na rin daw ang pelikulang pagsasamahan nila nina Nora Aunor at Gov. Vilma Santos at hinihintay lang daw ang availability ng schedule ng cast. Tapos ‘yung movie din nila ni Judy Ann Santos na dalangin ni Coco na magkaroon na raw sana ng linaw.

 

KINAUSAP PALA ni Robin Padilla si Aljur Abrenica na maging isa sa cast ng ginagawa nitong movie na Kuratong Baleleng, kung saan magiging kapartner si Kylie Padilla at kasama rin ang mga pamangkin ni Robin na pinasok na rin ang showbiz.

Sa movie ay mapapasabak sa action si Kylie at mga pamangkin ng sikat na action star pero walang eksena si Aljur na kung si Kylie ang masusunod ay ayaw niyang makasama sa nasabing movie ang napapabalitang boyfriend dahil may ginagawa itong serye katambal ang dating ka-loveteam na si Kris Bernal na Coffee Prince.

Ayon pa kay Kylie, nakakatanggap daw siya ng mga pang-aalipusta mula sa fans nina Aljur at Kris na obvious daw na mas gusto ng mga ito kay Kris kaysa sa kanya para kay Aljur.

“Gusto ko sana ‘yung personal lang kami, hindi ‘yun sa showbiz,” say ni Kylie.

Naiintindihan daw ni Kylie ang sitwasyon ng tambalan nina Aljur at Kris kaya suportado niya ang loveteam ng dalawa.

Samantalang nang makarating kay Robin ang naturang pang-aasar sa anak ng fans daw ng tandem Kris at Aljur ay nasabi nito: “Nababaduyan ako kay Aljur niyan kapag sinabi niyang magpapaapekto siya sa fans?

“Tigilan ninyo ang pag-ibig ninyo! Kasi ang pag-ibig, harangan man ng sibat o tutukan ka ng .45 sa ulo, kung totoong mahal ninyo ang isa’t isa, ipaglalaban ninyo,” say ni Robin.

Request lang ni Robin kay Aljur na laging depensahan ang kanyang anak (Kylie). At gusto ring ipaabot ng sikat na action star sa young actor na walang problema sa kanya kung talagang nagmamahalan ang dalawa.

Magkakaroon lang daw ng problema kay Robin kapag nabalitaan niyang namomroblema o binibigyan ng problema ni Aljur si Kylie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Coco Martin, masaya at nalungkot sa pagtatapos ng serye

Leave a Reply

Your email address will not be published.