Coco Martin & Kim Chiu: Hate That I Love You!

Coco-Martin-Kim-ChiuCOCO MARTIN
Real Name: Rodel Luis Nacianceno

Birth Date: November 1, 1981

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday
KIM CHIU
Real Name: Kimberly Sue Yap Chiu

Birthdate: April 19, 1990

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday
NAKAKALOKA ANG recent revelations ni Coco Martin sa feud nila ni Kim Chiu noon, huh! Aminado ang Teleserye King na nakaranas ito ng bullying mula kina Kris Aquino at Kim Chiu habang ginagawa nila ang “Kung Tayo’y Magkakalayo”. Kung noon ay kinukutsa ng mga girlaloo ang pananamit ng indie actor, ngayon ay all-praises na ito dahil sa natamong kasikatan. Ang “CocoKim” ang pangunahing bentahe ng teleseryeng “Ikaw Lamang”, na nag-premiere na noong nakaraang Linggo sa ABS-CBN.
Proven na ang bankability nina Coco at Kim sa paghawak ng kani-kanilang solo projects sa telebisyon, pero isang malaking question mark kung kakagatin ng masa ang loveteam nila. Paano ba naman, mega expect ang die-hard KimXi fans na may primetime show ang ‘Bride For Rent’ lead stars this 2014. Dahil ‘yata sa pag-attitude ni Papa Xian, naparusahan ito at tinanggal sa show. Medyo nakakapanghinayang din dahil demoted to support na lang ang pretty lady na si Julia Montes, na kapwa lead star ni Coco Martin sa hit series na ‘Walang Hanggan’.
Ngayon na nalalapit nang isalang sa publiko ang Coco-Kim loveteam, is there any chance for them to be together in real-life?
Kilala ang Scorpio at Aries sa pagiging passionate. Halos lahat ng bagay ay gusto nila at kaya nilang maging independent. Gusto nilang tahakin ang tamang landas at hindi sila nagpapaapi sa iba. Sa aspetong emosyonal lang magkasalungat ang dalawa: Dapat maramdaman ng Scorpio na laging nandyan physically ang ka-partner o gusto nitong laging nararamdaman na mahal siya. Ang Aries naman ay medyo ilang sa ganitong set-up. Mas gusto niya na may konting space sa pagitan ng iniirog.
Isa rin sa puwedeng maging problema ng dalawa ay ang pag-aaway. Madaling makalimot at maka-move on ang Aries, habang ang Scorpio naman ay may tendency na magtanim ng galit at ‘forgive, but never forget’ ang motto nito. Ang maganda sa tambalan na ito ay ang kanilang teamwork. Mahuhumaling ang Scorpio sa pagiging agresibo ni Aries habang hindi naman ikukuwestyon ng isa ang diskarte ng ka-partner. Olrayt!
Madaling magka-palagayan ng loob ang babaeng Aries at lalaking Scorpio. Kung paano patitibayin ang chemistry sa pagitan nila ang matinding pagsubok. May controlling tendencies ang Aries na puwedeng ika-irita ng Scorpio. Madali ring magselos ang lalaking Scorpio lalo na kung pinaliligiran ng hunks ang syotang girlaloo. In a greater picture, puwedeng ang differences nila ang mas magpapatibay ng kanilang relasyon. Madadaan naman lahat yan sa ma-bote… este, mabuting usapan.

Ahem…. There’s big potential here! If ever pala ay hindi lang sa pelikula’t telebisyon successful sina Coco at Kim. Maging sa pag-ibig ay potential hit din sila! Hindi man maganda ang umpisa ng kanilang friendship, puwede pala itong mapunta sa relationship! Push na ‘yan!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.