Coco Martin, itinangging na-in love kay Gretchen Barretto

Coco-Martin-Gretchen-BarrettoNAKAUSAP NAMIN noong nakaraang Linggo sa ASAP si Coco Martin para sa nalalapit na pagtatapos ng Juan dela Cruz at dito ay agad namin siyang hiningan ng reaksyon sa lumabas na balitang na-in love daw siya kay Gretchen Barretto nang mag-guest ito sa pinagbibidahang serye.

Agad na klinaro naman ng aktor na humanga lang siya, pero hindi naman na-in love gaya ng lumabas na balita. Ayon kay Coco, lahat sila ay humanga sa aktres dahil napakabait nito at hindi mahirap pakisamahan. Nang mawawala na nga ang karakter nito sa JDC, lahat sila ay humihiling na sana ay maging regular na ito sa kanilang show.

Maluwag na ang sked ngayong Nobyembre at Disyembre at ngayon ay makapagpapahinga na mula sa halos araw-araw na pagtatrabaho, gusto ni Coco na makagawa ng isang indie film na malapit sa puso niya at nalulungkot nga siya dahil wala siyang offer na natatanggap para makagawa uli ng isang indie film.

Sa tanong namin na baka kasi naaalarma ang ibang indie producers na kunin siya dahil baka mataas na ang talent fee na sisingilin niya, siniguro naman ni Coco na alam niya ang mundo ng indie film at ‘di isyu sa kanya ang bayad dito. Gustung-gusto na makatrabaho muli si Direk Brillante Mendoza, hindi nga lang magkatugma ang kanilang schedule kung kailan gagawa ito ng isang pelikula ay abala rin naman siya sa ginagawang serye.

Malungkot sa pagtatapos ng Juan Dela Cruz dahil parang pamilya ang samahan nila sa set, pero labis-labis ang pasasalamat ni Coco dahil sa consistent high ratings ng pinagbibidahang serye mula sa simula hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito.

 

VERY TIMING naman kung totoo na nauwi na rin sa break-up ang relasyong Phil Younghusband at Angel Locsin dahil mas naunang nakumpirma ang hiwalayang Luis Manzano at Jennylyn Mercado.

Gretchen-Barretto -Coco-MartinSa ngayon ay wala pa namang kumpirmasyong nanggagaling mismo kina Phil at Angel, kung saan pati mga managers nila ay ‘di alam kung may katotohanan ang mga lumabas na balita. May ilang kuwento na lumalabas na mas nauna pa nga raw na nag-break ang dalawa bago pa man pumutok ang balitang hiwalay na sila Jen at Luis.

Isa sa pinagbasehan ay ang matagal na raw na ‘di pagpo-post sa Instagram at Twitter nina Phil at Angel ng tungkol sa kanila. Isa nga lang malaking palaisipan ay ang rason kung bakit daw kaya nagkahiwalay ang dalawa, kung totoo nga na break na sila?

Marami ang nanghihinayang dahil bukas sa pagsasabi si Phil na nakita na niya kay Angel ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habang-buhay, sa parte naman ng aktres, nagbitaw na rin ito ng pahayag na hindi na rin siya bumabata at hindi siya papasok sa isang relasyon kung hindi naman siya seryoso, sa kabila nga raw na age gap ng dalawa, kung saan mas bata si Phil ng ilang taon kay Angel, mukhang nagkakasundo naman ang dalawa at nagkakaintindihan.

Nasabi namin na timing dahil naging mag-ex din sina Luis at Angel at ngayong kumpirmadong hiwalay na sina Jen at Luis, bali-balita naman na hiwalay na rin sila Phil at Angel. ‘Di raw kaya sa huli ay sina Angel at Luis pa rin sa kabila ng bali-balitang hindi rin daw naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Coco Martin, itinangging na-in love kay Gretchen Barretto

    • Ikaw nman SHENA kung ano knapangit ng mukha mo gnun din kpangit ng ugali mo.khit ngumawa knang ngumawa d kn man kilala.isa k lng salot sa lipunan.darating ang araw my karmang drating sau mtindi!!mlapit na un.tawanan mo man ngaun.nsa sau na un.

      • Ateng, hindi naman dedicated sa akin ang comments section, so bakit nilalaan mo yan para sa akin?! Pwede ba, yung artista ang pinag-uusapan, hindi ako. Saka teh, atheist akech. I don’t believe in karma ek ek. I believe in Science and Technology. Charoot! hakhakhak!

  1. Pingback: Coco Martin, itinangging na-in love kay Gretchen BarrettoLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.