Coco Martin, idinenay ang panlalait nina Kris Aquino at Kim Chiu!

ON THE ROCKS na nga kaya ang relasyon ni Diether Ocampo with girlfriend Rima Ostwani?

Tinext namin si Diet mismo, and kadalasan naman ay nakapagre-reply agad ito. Pero tinitipa namin ang kolum na ito, wala pa rin itong reply sa aming text message. Maaaring busy sa taping ng Rubi, ang bagong teleserye ng aktor with Angelica Panganiban, Jake Cuenca, at Shaina Magdayao from ABS-CBN, and so we understand.

Pero ayon sa ilang colleagues natin na napadalaw sa Latin party taping ng teleserye, humiling si Diether na ayaw muna nitong magbigay ng anumang pahayag tungkol sa diumano’y problema sa relasyon nila ni Rima, to the extent na may nasulat pang split na nga sila.

Sinabi ni Diet na kung maaari raw ay sa kanilang dalawa na muna ito, dahil naging open naman sila ni Rima sa kanilang relasyon. Pero this time daw ay humiling itong ibalato muna sa kanya ang hindi pagsalita tungkol sa isyu.

Aminado itong inaayos nilang mabuti kung anuman ang kanilang pinagdadaanan ngayon sa kanilang relasyon at nagsabing mas okey raw kapag ang babae ang tanungin.

“Kasi ang lalaki, usually hindi naman nagsasalita ‘pag ano, e. As much as possible, I’d like to keep it simple. Huwag na nating pag-usapan pa kung ano man ‘yung mga ano. Pero wala namang problema sa amin, okay naman, maayos naman.”

Kilala na namin si Diet at ito nga ang tipong kapag may pinasok, maayos ang nagiging paglabas sa anumang situwasyon sa kanyang buhay. Kung may mga pagsubok man silang pinagdaraanan ni Rima, we certainly hope na maayos ito.  Nakasama namin ang dalawa sa Pampanga last year sa birthday treat ni Diet sa mga kids na tinutulungan niya sa kanyang Kids Foundation, and nakita’t naramdaman namin ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Very happy si Diet nu’ng mga sandaling ‘yon at very proud pa itong ipinakikilala ang press friends nito na nakaantabay lang sa career niya mula pa noong siya’y nagsimula sa showbiz.

Isa pa man din si Diether sa pinaka-sincere na artista sa kanyang henerasyon, ‘pag kausap mo, at marespeto sa mga babaeng nail-link sa kanya. And so, here’s wishing na malagpasan ng dalawa kung may pagsubok man silang tinatahak sa ngayon.

ITINANGGI NI COCO Martin ang isyung nilalait siya umano nina Kris Aquino at Kim Chiu, co-stars nito sa Kung Tayo’y Magkakalayo sa Dos. May bersiyon ding “napa-plastikan” itong si Coco kina Kris at Kim, kaya pinapapatay na lang nito ang character sa soap, dahil nahihirapan itong pakisamahan ang dalawa.

Hindi raw alam ni Coco kung saan nanggaling ang isyung ito dahil maganda naman daw ang samahan nila sa set, at nagugulat siya sa balita.

Niregaluhan pa raw ni Kris ng jacket si Coco nu’ng Pasko, pati na ang lola nito ay niregaluhan din ng host-actress, kaya hiyang-hiya ito sa biglang paglabas ng isyu. Kahit si Kim daw ay may regalo sa kanya last Christmas.

Bago pa man nag-artista si Coco ay nakilala na namin siya, noong mga panahong gumagawa pa lamang ito ng indie films.  At talagang may pagkamahiyain ito at hindi pala-kuwento sa mga taong nakakatrabaho, kundi pa man siya close sa mga ito.

Hindi magsasalita ‘yan kung hindi ka-chika ang kasama, at malamang, taglay pa rin nito ang pagiging likas na mahiyain, kahit sumisikat na ang Star Awards for TV Best Drama Actor (for Tayong Dalawa).

Isa si Coco sa pinakamasu-suwerteng young actors ngayon na successful siyang nakapag-cross-over from indie cinema to mainstream, at kinakikiligan na ng female (and gay) fans, dahil hindi lang guwapo kundi may ibubuga rin sa acting.

Pati nga Bench ay kinuha rin siyang endorser. Talbog!

For feedback and comments, please e-mail us at mell_navarro@yahoo.com.ph.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

9 thoughts on “Coco Martin, idinenay ang panlalait nina Kris Aquino at Kim Chiu!

  1. hay naku nde naman magagawa ni kim chiu humble pa rin sya kahit na mataas na ang nararating nya …..I LOVE U KIM

  2. hoy bakla!!! bakit na delete ang post ko??? siguro ikaw yung bayaran ni villar ano??? kakahiya ka!!! shame on you!!!!!!!

  3. coco martin said that it’s not true and he doesn’t even know where the tsismis came from. omg! tiyak one of makinarya yan ni manny villar. grabeh! hanggang showbiz reporters, nabayaran na ni money villar! ‘coz di ba nga sabi nila, kasiraan ni kris, eh kasiraan di ni noynoy. so they are really capitalizing on issues they can throw on kris. gosh! and for sure, villar will surely want a return of investments once he wins the election. tiyak babawiin niya lahat yan at i’m sure, lalong maghihirap ang pinas pag siya naging presidente. so please…use you mind ppl, maawa naman kayo sa pinas kung dahil sa konting pera lang eh ibebenta niyo ang mga boto niyo. for once, pls. choose someone who really would honestly care for our people and our country.

Leave a Reply

Your email address will not be published.