Coco Martin, guarantor ni Julia Montes sa bank loan

Coco-Martin-Julia-MontesMINSAN NAG-GUEST sa morning show na Kris TV si Julia Montes. Ang concept nila sa episode ay ang pagpe-prepare ng young actress ng kanyang natutunan sa short course sa Center for Culinary Arts (CCA). Sa episode, nagluto ang dalaga ng masarap na kalderata na may gata at ang spicy laing na may gata pa rin.

Ang gata or coconut milk sa English, tinatawag ding “coco”. Tuloy naging tampulan ng tukso ang dalaga sa natsitsismis na manliligaw (or baka sila na) na si Coco Martin. Yes! Pakiwari ng nakapanood, may “something” between Julia and Coco at ayaw lang nilang ikumpirma sa media at ipaalam sa publiko para iwas intriga at gulo.

Papaano ba namang hindi mo pagdududahan “Ang Probinsiyano” at ang “Doble Kara” na may “something” sa kanila? Papayag ba naman ang binata na maging guarantor sa bank na ilo-loan ng dalaga sa property na nabili at pagpapatayuan ng bahay na halos isang kanto lang ang layo sa bahay na magarbo na ipinatayo ng binata sa may bandang Fairview? Kung friends lang ang dalawa, hindi aabot sa pagiging “guarantor” ang binata sa bangko para lang sa dalaga.

Pero oks na rin na both are quite lang sa kanilang “relasyon” at kung ano man meron sila ngayon. Basta ang mahalaga, happy silang at parehong good vibes ang dumarating sa kanila mula nang maging close sila sa isa’t isa.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleVic Sotto at Pauleen Luna, sa December na ang kasal?
Next articleAlden Richards, may beki lover?

No posts to display